^

PSN Showbiz

Brian Viloria babanggain ang kampeon!

-

MANILA, Philippines - Si Brian Viloria (29-3-0, 16 KOs) ay nagpapakitang-gilas sa tuwing siya ang challenger para sa mga word titles. Na-knock out niya si Eric Ortiz sa unang round sa kanyang kauna-unahang attempt na makuha ang WBC light flyweight title. Napatigil niya si Ulises Solis sa 11th round ng kanyang his first shot sa IBF light flyweight title. Nitong umpisa ng taon, napanalunan niya ang WBA flyweight title sa kanyang first title attempt sa flyweight division.

Ang makuha ang titulo sa unang attempt ay hindi mahirap para kay Viloria. Ang mahirap ay ang panatilihin ang title sa kanyang bewang.

Matapos manapalunan ang WBC light flyweight title, nadepensahan ni Viloria itong laban kay Jose Antonio Aguirre ngunit naagaw ito sa kanyang se­cond defense laban kay Omar Soto. Nabigo rin siya na mabawi ito matapos ang second attempt.

Ganun din ang nangyari sa kanyang IBF light flyweight title. Naidepensa ni Viloria ito laban kay Jesus Irebe pero naagaw naman sa kanya noong kanyang second title defense ni Carlos Tamara.

Sa edad na 30 years old, si Viloria ay hindi na puwedeng umakyat ng weight upang kumolekta pa ng mga belts. Ang isang shot para ma-solidify ang kanyang legacy ay dito na at ngayon. Ang panalo niya laban sa champion na si Julio Cesar Miranda ay hindi madali pero hindi ito maaalala kung walang matagumpay na mga pagdedensa dito.

Astig ang kanyang makakalaban at ito ay walang iba kundi ang matikas at matibay na si Giovani Segura (28-1-1, 24 KOs) ng Mexico sa Dec. 11 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. May mga “oddsmakers” na nagpapadehado sa defending champion.

Ang talunin ang isang opponent katulad ni Segura ay magpapalakas sa claim ni Viloria bilang legtimate threat sa sinuman sa flyweight division. At dag­dag pa ang pagkakaroon ng higher rating sa Pound-for-Pound Rankings ng Ring Magazine.

Ang Island Assault 3: Champion VS Champion tickets ay mabibili sa Ticket Net (SM outlets) at Ticketworld (VIP: P500, Ringside: P400, Courtside: P250, Bleachers: P150).

Bisitahin ang www.solarspors.ph para sa iba pang impormasyon.

ANG ISLAND ASSAULT

CARLOS TAMARA

ERIC ORTIZ

FLYWEIGHT

GIOVANI SEGURA

JESUS IREBE

JOSE ANTONIO AGUIRRE

KANYANG

TITLE

VILORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with