^

PSN Showbiz

Manganganak na lang pero... Kristine hindi naranasang maglihi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Sabado ay isang baby shower ang ibinigay ng Star Studio magazine ng Kapamilya Network para kay Kristine Hermosa na may 1940s to 1960s na theme sa isang hotel sa Ortigas, Pasig City. Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaibigan at kapamilya ng aktres.

Naroon siyempre ang asawa ni Kristine na si Oyo Sotto. Maayos naman ang pagbubuntis ng soon to be mom.

“Okay naman, active pa rin ako, though mabilis nang mapagod pero okay naman. Wala talagang morning sickness so, thank God. Kaya hindi ko alam kung totoo ’yung lihi-lihi. Although siya (Oyo), gusto ko siyang laging kasama. ’Di ko alam lihi ’yun pero gusto ko siyang laging nakikita at kasama parang hindi siya makapaniwala. Grabe may gumagalaw sa loob. Nakikita mo na minsan uneven ’yung tummy mo dahil galaw siya nang galaw. Kapag nag-u-ultrasound kami. Buung-buo na pala siya, ang amazing lang, ang alam ko may cleft chin siya,” kuwento ni Kristine.

“Although ’yung cheeks niya talagang ganun, mataba talaga, saka ’yung fingers niya mahahaba, nagmana kay Tin. We prayed about it, gusto talaga namin na girl ang unang baby namin ni Tin,” pahayag naman ni Oyo.

Ngayon ay ipinagdadasal ng mag-asawa na maging normal ang panganganak ni Kristine.

“First week of January pero full term na ako by December,” pahayag ni Kristine.

“If CS siya, puwede na sa December kaya lang gusto talaga namin na normal. So January,” sagot naman ni Oyo.

Naikuwento rin ng mag-asawa kung bakit Ondrea Bliss ang napili nilang pangalan para sa kanilang baby girl.

“Naghanap kami and then finally God spoke to us, eto ’yung pangalan niya. Ang ibig sabihin ng Ondrea, strong and courageous, ’yung Bliss, it means naman unmeasurable joy. ’Yun ang pareho naming nararamdaman, gusto naming maging strong and courageous si Ondrea,” kuwento ni Kristine.

Bukod kina Oyo at Kristine ay sobrang excited na rin ng kanilang adopted child na si Quiel sa paglabas ng kanilang bagong anak.

“Three years old na si Quiel, kuyang-kuya na siya. Aware naman siya, mukha namang tanggap niya ’yung pagdating ni Ondrea,” dagdag pa ni Kristine.

Ayon kay Oyo ay malaki ang naging pagbabago sa kanyang pagkatao mula nang magkaroon siya ng sariling pamilya.

“Dati sarili ko lang iniisip ko, laging ako. Ngayon, ’yung mga kinikita ko sa kanila napupunta. ’Yung responsibilities mo lumalawak and dumarami. Hindi na lang simpleng kailangan mong gumising at tumayo, hindi na eh. Pagkagising ko, kailangan ko silang i-check kung okay na ba sila. Maya’t maya tatawag ka kung okay lang ba sila.

“Si Tin naman, alam niya na gusto ko lagi akong nandiyan para sa kanya. Kahit kalagitnaan ng taping, manganganak na siya, bibiyahe talaga ako, magkalimutan na ng trabaho, huwag lang ’yung baby ko,” giit pa ni Oyo. Reports from JAMES C. CANTOS

KRISTINE

KRISTINE HERMOSA

NAMAN

NGAYON

ONDREA

OYO

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with