^

PSN Showbiz

KC kinarir ang pagpapapayat para 'di magmukhang nanay nina Gretchen at Angelica

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi lamang ang kagalingang umarte ni KC Con­­cepcion ang huhusgahan sa seryeng Alta kundi maging ang kanyang pisikal na kaanyuhan.

Bilang pinakabata sa grupo ng mga artistang babae na gaganap ng major role sa pinakabagong serye ng ABS-CBN, dapat ay magmukha siyang baby sister nina Gretchen Barretto at Angelica Pa­nganiban pero kung hindi niyapangangatawanan ang pagpapapayat, aba ba­ka magmukha siyang na­nay ng dalawa.

Kung si Gretchen nga aypinangangatawanan ang pagwo-workshop para mapaunlad ang kanyang craft, at hindi naman nasa­yang ang kanyang effort sa kabi-kabilang parangal, at para hindi rin mapahiya sa nagtuturo sa kanyang umarte, si Direk Laurice Guillen.

Nagsimula nang mag-tape si KC sa Alta at ka­pan­­sin-pansin na ang ma­la­king kabawasan ng kan­yang timbang na mismong si Gretchen pa ang nakakapuna. Ngayon talaga, mukhang babay sister na siya nito na siyang role na ginagampanan niya sa series. Congrats, inaanak!

Boyet at Ipe pinatikim ng buhay-Abu Dhabi

Sa dami ng inihahandang serye ng Dos, talagang obvious na gusto nilang mamintina ang kanilang pamamayani sa TV pagdating sa paggawa ng mga serye. Bagama’t paminsan-minsan ay nagsasa-Tagalog sila ng serye mula sa Korea at Latin Amerika, sa paggagawa ng orihinal na serye sila nakikilala.

Bukod sa Alta at Padre de Pamilya, inihahanda na rin nila ang Doha. Kinailangang pumunta ng Abu Dhabi ng dalawang aktor na sina Philip Salvador at Christopher de Leon.

’Yun ang maganda sa Kapamilya Network, puwede naman nilang dayain at gumawa ng set na parang nasa Abu Dhabi pero ginastusan pa nila ang biyahe ng dalawa at pati siyempre production crew na makakasama nila upang maging authentic ang mga eksenang kakailanganin sa serye.

Judy Ann kinakampihan ng mga biyenan

 May mag-asawa bang hindi nag-aaway? Wala. Lahat ng married couples ay dumadaan sa mga ganitong pagsubok para mas mapatatag pa ang kanilang samahan.

Infidelity ang karaniwang source ang away ng mag-asawa na kung hindi agad maa-arrest ay puwedeng magpadali ng kanilang pagsasama. But since ang problemang ito ay dumarating pero napagdadaanan lamang ng maraming married couple, nagsisilbi lamang itong pagsubok para mas mapatatag pa ang pagsasama at relasyon ng mag-asawa.

Wala pang ganitong problema ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos pero inaamin na ng huli na nag-aaway din silang mag-asawa, mga maliliit na tampuhan na ang pinakamatagal ay umabot ng apat na araw. Suwerte lang ni Juday dahil may mga biyenan siyang natatakbuhan na nagagawang kausapin si Ryan kaya nagkakabati sila. Paano kung wala?

Maraming magbiyenan ang hindi nagkakasundo, pero si Juday kamping-kampi ng mga biyenan niya. Kaya madalas kahit siya ang makulit, si Ryan pa ang napipilitang mag-give way para lang sila magkabati. Ganun siya kamahal hindi lamang ni Ryan, kundi maging ng mga magulang nito.

Hay, Juday nasa iyo nang lahat ng su­werte. Pag-ingatan mo ito at pahalagahan.

Alyssa at Aifah kumain nang kumain pagkalabas sa reality show

’Kakatuwa sina Alyssa Alano at Aifah Medina. Wala silang ginawa kundi ang kumain nang kumain nang matanggal sila sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown. Sa halip na manghinayang dahil sila ang unang casualty sa show na sa hirap ng pinagdaanan ay ’di nila gu­gus­tuhin na ganun lang kadaling matapos pero wala silang naramdamang ganitong panghihina­yang. Sa halip, nakahinga sila ng maluwag dahil ta­la­gang mahirap ang buhay sa island, bukod sa walang pagkain, bilad sila sa panganib. ’Yung mga kutis porselana nila, nagkakasugat-sugat at namutiktik sa kagat ng lamok.

Masaya ang dalawa na finally ay libre na sila. Hindi magandang feeling ’yung nagugutom sila. Although both admitted that their short stint in Palawan made the stronger and competitive, still mas relieved sila na makabalik sa sibilisasyon.

ABU DHABI

AIFAH MEDINA

ALTA

JUDAY

RYAN

SHY

SILA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with