Paghanga ng mga Pinoy kina Pacman at Charice nabawasan
SEEN: Ngayon ang unang buwan ng anibersaryo ng pagpatay kay Ramgen Revilla. Isang buwan nang naka-confine sa Asian Hospital and Medical Center ang kanyang girlfriend na nakaligtas, si Janelle Manahan.
SCENE: Ang panawagan ni Janelle Manahan kay Genelyn Magsaysay na pauwiin nito sa Pilipinas ang anak na si Ramona Bautista upang magkausap sila.
SEEN: Nakaburol sa Olongapo City ang ina ni Jake Vargas na pumanaw noong Sabado dahil sa colon cancer.
SCENE: Kung nakinig noon si KC Concepcion sa mga payo sa kanya tungkol sa pakikipagrelasyon kay Piolo Pascual, hindi niya sana naranasan na masaktan at umiyak ng todo.
SEEN: Parehong nabawasan ang paghanga ng mga Pilipino kina Charice at Congressman Manny Pacquiao ngayong 2011.
Si Charice dahil sa overacting na reaksiyon sa pagkamatay ng kanyang ama at si Pacquiao sa pangit na performance niya sa laban nila ni Juan Manuel Marquez.
SCENE: Galit kay Angelicopter ang gay community dahil sa kanyang comment sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown na “parang bakla ang Volcanoes member na si Arnold Aninion.”
Nataranta si Angelicopter sa bintang na anti-gay siya.
SEEN: Namamaga pa ang mukha ni Cogie Domingo dahil sa pambubugbog sa kanya noong nakaraang Linggo.
SCENE: Ang report ng Box Office Mojo sa resulta ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong Nov. 16 hanggang Nov. 20.
- Latest