^

PSN Showbiz

Jericho mas gustong ikumpara kay Christopher kesa kay Piolo

- Veronica R. Samio -

Alam ni Jericho Rosales na sa pagtanggap niya ng isang project sa ABS-CBN na kasama si Piolo Pascual ay magsisimula na silang pagkumparahin.

“Kami ni Piolo, gusto naming mag-focus sa teamwork, hindi sa kung sino sa amin ang mas maga­ling na artista. Kung gusto akong ikumpara, kay sir Chris­topher (de Leon) na lang kahit alam kong maii­wan niya ako ng milya-milya pero huwag kami ni Piolo,” pakiusap niya sa launching ng pinakabago niyang product endorsement, ang Vantage Ace 2 Double Bladed Razors.

Masaya si Echo dahil bukod sa mga endorsement niya, may anim na nai-deal na pelikula para sa kanya ang Genesis Entertainment, ang kumpanya na humahawak sa kanya na pinamumunuan ni Angeli Pangilinan-Valenciano.

May tatlo siyang pelikula na gagawin sa Star Cinema at meron pa rin sa Regal Entertainment, Inc. na ang una ay ang Yesterday, Today, Tomorrow katambal si Lovi Poe. Pang-filmfest entry ito na nagtatampok din sa pagbabalik ni Maricel Soriano.

Bukod sa hinihintay na seryeng Padre de Pamil­ya kasama sina Christopher de Leon, Piolo Pascual, at Maricar de Mesa, na-extend ang I Dare You, na hino-host niya kasama sina Iya Villania at Melai Cantiveros. Napapanood din siya sa ASAP Rocks tuwing Linggo. 

Pagkatapos ng tagumpay ng kanyang debut album na Change, nangangalap na naman ng material para sa susunod niyang album ang Star Records. May pinaplano rin isang thanksgiving concert para sa kanyang ika-15 anibersaryo bilang artista.

Ayaw isipin ni Jericho na ang lahat ng mga magagandang nangyayari sa kanyang career ay dulot ang pagpunta niya sa US na kung saan ay dalawang buwan siyang nag-aral sa New York Film Academy ng Acting for Films.

Dito natuto siyang maging sensitive, kung paano ma-enhance ang kanyang professionalism at kung paano mag-audition. Kasama sa mga plano niya ang pagre-revive ng kanyang singing career sa Malaysia at Singapore. Balak din ni Echo na makapagdirek ng pelikula at gagawin niya ito sa isang indie film na siya rin ang magpoprodyus. Bago ito, mag-aaral siya ng pagdidirek kay Marilou Diaz-Abaya. Nakakuha na siya ng kursong cinematography sa MOWELFUND na magagamit niya sa pagdidirek niya ng pelikula.

Mga dating singer noon, nag-reunion!

Ang akala kong isang simpleng hapunan na ipinang-imbita ng isang matagal ng kaibigan, si Tessie Lagman, para sa kaarawan ng kanyang asawang si Nonoy Balboa, at isinabay na rin ang birthday ng kanilang panganay na si Jing, ay isa palang reunion hindi lamang ng mga dating artists ng kumpanya nilang Grandeur Records kundi ng mga dating empleyado rin nila.

Tumigil sa paggawa ng recording ang Grandeur Records nang naging talamak ang piracy nung 1996, Dalawampu’t anim na taong tumagal ang recording business ng mga Balboa na ilan sa mga napasikat na pangalan ay sina Eddie Mesa, Gloria Selga, Bert Dominic, Cynthia Garcia, El Masculino, The Grandels, Ed Finlan, Jun Soler, Boy Orlando, at Maria Belinda. Grabe ang hapunan na nilutong lahat ng maybahay ng mga may kaarawan. 

Naka-mesa ko si Cynthia na hindi pa tumitigil sa pagkanta. Meron itong isang seven-member all-girl band na tumutugtog tuwing Huwebes sa Hyatt Casino. Bukod sa kanyang sarili, nagma-manage na rin ng mga singers ang isa sa pinakamagaling na singer na nadiskubre.

Booking agent na rin siya, kaya kung gusto n’yo ng mga performers para sa inyong mga corporate affairs, birthdays, anniversaries, concerts, o kahit anong simpleng events you can call her at 0927-9104781.

Naka-mesa rin namin ni Letty Celi at Virgie Ba­la­tico si Ed Finlan, na puwedeng-puwede pang mag-showbiz muli, ito naman ay kung magbabawas siya ng timbang. Mukhang enjoy sa kanyang buhay ang dating sikat na host at artista.

Ang ikinatuwa kong makita ay si Lady Valerie na siyang nag-provide ng music sa party. Magugulat kayo na malaman na hindi na isang lady kundi lalaking-lalaki na ang magaling na pianista at taga-provide ng magagandang musika sa maraming parties.

Pacman tinanggap ng mas mainit ng Sarangani kesa sa Metro Manila

May halong pagtatampo ’yung mga salitang pi­na­kawalan ng Pambansang Kamao at isang kinata­wan ng Repulika ng Pilipinas nang bigyan siya ng isang engrandeng pagsalubong ng mga taga-Sa­rangani nang umuwi siya kamakailan mula sa mata­gumpay niyang laban kay Juan Manuel Marquez.

Sinabi ng kampeong boksingero na mas mainit at mas naramdaman niya ang naging pagsalubong sa kanya ng kanyang mga kababayan kumpara sa ibinigay sa kanya dito sa lungsod. ’Yun ba ang gusto niyang ipakahulugan?

Katulad nang ginawa sa GMA 7 Mo lalayasan din ang TV5 na ’di pa tapos ang kontrata

Hindi na naman ba i-o-honor ni Mo Twister ang natitira niyang kontrata sa TV5? Balitang ibinenta ng lahat ni Mo ang lahat niyang gamit bilang paghahanda sa kanyang paglipat sa New York.

Huli siyang mapapanood sa Paparazzi ngayong Linggo. Tila katulad ng pag-alis niya sa GMA 7 na nagkaproblema pero hindi na sila nag-pursue, hindi pa rin tapos ang kontrata niya sa istasyong iiwan din niya?

ED FINLAN

GRANDEUR RECORDS

ISANG

KANYANG

NIYA

PIOLO PASCUAL

RIN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with