^

PSN Showbiz

James at Phil Younghusband cover sa Reader's Digest

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Cover ang magkapatid na James at Phil Young­husband sa December issue ng Reader’s Digest at wala naman sigurong kokontra sa ka-team nila sa Azkals sa title ng article nilang The Poster Boys of Philippine Football.

Maganda ang interview ni Ross Harper Alonso kina James at Phil at, muling binanggit ng huli na ayaw niyang mag-showbiz. Sana marami sa gob­yerno ang makabasa ng article at suportahan ang football sa bansa.

Kung saan-saan lang napupunta ang pera na galing sa kaban ng bayan, bakit hindi magtayo ng sports facilities gaya ng football field?

Kilala na ni Angel Locsin si Phil pero lalong magiging proud siya rito ’pag nabasa ang latest Reader’s Digest.

Jericho inayawan ang offer ng TV5 dahil sa TFC

Sa presscon/launching niya as the endorser of Vantage Ace 2 Double Bladed Razors, nabanggit ni Jericho Rosales na bukod sa Yesterday, Today, Tomorrow movie niya sa Regal Entertainment, Inc. may three movies pang offer sa kanya si Mother Lily Monteverde na malamang gawin niya.

Three-picture contract din ang offer ng Star Cine­ma at sabi ng manager ng actor na si Angeli Pangi­linan-Valenciano, after the presscon/launch may meeting siya with Malou Santos para pag-usapan ang mga pelikulang gagawin ng aktor. Isa rito ay makakasama si Kris Aquino pero hindi sure si Angeli kung ito ang uunahin.

Tinanong din namin si Angeli kung may offer ang TV5 kay Jericho. Meron ang sagot niya pero hindi nila matanggap dahil sa strong TFC fans ng aktor na hindi papayag kundi nila ito mapanood sa soap.

Sharon matutuloy na sa GMA Films

Nanood si Sharon Cuneta sa special VIP celebrity screening ng The Road sa Newport Cinema sa Resorts World at siguradong isa siya sa mga nagulat, nawindang, naligalig, at sumigaw sa pelikula ni Direk Yam Laranas.

Ibig kayang sabihin ng presence ni Sharon sa screening ng movie ay matutuloy na ang paggawa niya ng pelikula sa GMA Films? Naalala naming may gagawin siya rito a few years ago pero naudlot sa ’di malamang rason.

Ready na ring gumawa ng pelikula si Sharon at ang reunion movie nila ni Gabby Concepcion na co-produced ng Viva Films at Studio 5 ay sa March 2012 gagawin, isunod na kaya nito ang pelikula niya sa GMA Films?

Golden Screen mamimigay ng 52 trophies

Gagawin sa Teatrino ang Golden Screen TV Awards 2011 sa Nov. 29, at kumpirmadong hosts sina Venus Raj, Mikael Daez, at John Lapus. Pina-finalize pa ang mga performers sa awards night.

Fifty two categories ang ipamimigay at napili na ang tatanggap ng Helen Vela Lifetime Achievement Award. Ito’y sina former Vice President Noli de Castro for News Broadcast, Tito, Vic, & Joey for Comedy and Ms. Charo Santos-Concio and Maalaala Mo Kaya for Drama.

ANGEL LOCSIN

ANGELI

ANGELI PANGI

DIREK YAM LARANAS

DOUBLE BLADED RAZORS

GABBY CONCEPCION

GOLDEN SCREEN

HELEN VELA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

JERICHO ROSALES

JOHN LAPUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with