^

PSN Showbiz

Anak ni Piolo hindi totoong dahilan ng hiwalayan nila ni KC

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Para namang hindi kapani-paniwala na ang dahilan ng break-up nina Piolo Pascual at KC Concepcion ay ang pagtutol ng anak ng aktor sa nasabing relasyon. Kung totoo ito, well tama lang na maghiwalay sila. Obviously, namayani ang kagustuhan ng bagets at hindi ng kanyang ama dahil nga naghiwalay ang dalawa.

KC is well rid off a man na hindi siya ang priority. Mahirap maging second fiddle. Hindi man siya mag-expect na mag-No. 1 sa buhay nito, hindi naman siya dapat No. 2. Puwede silang parehong No. 1 ng bata at kung hindi ito puwedeng ibigay ng minamahal niyang lalaki eh wala ngang mangyayari.

Marami pang lalaking puwede siyang gawing numero uno sa buhay nito. Pero ako hindi naniniwala na ang anak ni Piolo ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Albie kailangang makita ang anak niya kay Andi

Nanganak na si Andi Eigenmann, isang baby girl ang isinilang niya. Ano kaya ang nararamdaman ng sinasabing ama ng batang isinilang niya?

Wala ba itong nararamdamang lukso ng dugo sa batang pinakatanggi-tanggi niyang kanya? O kailangang makaharap muna niya ang bata bago lumukso ang kanyang dugo?

Jericho maramot tungkol sa kanyang GF

O tingnan mo nga, meron na palang non-showbiz girlfriend si Jericho Ro­sa­les pero hindi matuklasan ng mga taga-showbiz kung sino. Ang galing-galing talagang magtago ni Echo. At kahit anong pilit ayaw niyang i-divulge ang identity ng girl.

Kung ’yun ang gusto niya eh, ’di pagbigyan natin. Baka nga sa ganitong pamamaraan ay magawa niyang mapatagal ang kanilang relasyon.  In the past nga naman dahil naging open siya ay hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon. Sa pagtatago niya nito ngayon, baka nga naman, mapangalagaan niya at mapatagal pa ang relasyon nila.

ALBIE

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANO

CONCEPCION

JERICHO RO

MAHIRAP

NIYA

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with