Rhian kailangan ng abogado!
Naku dapat maghanda ng lawyer si Rhian Ramos para sagutin ang mga sinasabi ni Mo Twister.
Nagkukuwento na ang TV and radio host ng tunay na nangyari sa kanila although ayon sa isang nakausap nito, hangga’t maari ay gusto nitong pigilan ang sarili.
Sa radio show daw nito kahapon ng umaga ay halos idetalye na nito ang nangyari, pero ayun napigilan naman daw ni Mo.
Sinasabi na raw nitong muntik na nga silang magkaanak ng actress pero ‘nawala’ na sobrang kinagi-guilty na rason kung bakit lalayasan na niya ang career sa Pilipinas.
Sobrang emotional at sentimental daw si Mo sa nangyari sa kanila ng actress.
I’m sure may sariling version ng kuwento si Rhian tungkol dito.
‘Wag agad tayong maniniwala.
Aktor nangangailangan ng maraming dasal!
Nangangailangan ng dasal ang isang kilalang aktor.
Medyo malubha raw ang kalagayan nito sa kasalukuyan at ipinagdarasal ng mga kamag-anak na sana sa darating na Pasko ay kapiling pa nila ang aktor.
Kasalukuyang nasa hospital pa rin ito.
Nina puwedeng dance diva!
Alive na alive na naman ang career ng Asia’s Diamond Soul Siren na si Nina. Last Tuesday ay nagkaroon ng launching ang kanyang latest album - Stay Alive. This time, under Universal Records. Ito ang first album niya under Universal.
“This album features a new sound but it is distinctly Nina. I have worked hard for this album, so I’m really hoping that people will enjoy it,” say niya.
For a change, hindi lungkot-lungkutan ang mga kanta niya. Sumabak siya sa sayawan lalo na sa carrier single niyang Dance na isang upbeat track with a catchy melody na siguradong mapapansin ng marami at malamang mag-set pa ng music trends. Futuristic kasi, at makikita sa music video na puwede rin pala siyang maging dance diva.
Ang iba pang upbeat tunes sa album ay ang I Came To Dance, Only With You and Laging Ikaw.
Pero meron din namang mga kantang very Nina – However Much Love at inspirational song na Believe in the Dream.
Nag-composed din siya ng isang track – You Should Know with Keith Martin.
Ilan pa sa mga ballads ang I Don’t Want to Fight, Starlight and Missing You at ang bonus track na Hagkan.
Part ng entire process ng album ang singer – from conceptualization, sa paggawa ng cover hanggang sa Paper Dolls design sa loob ng album, sa mga kanta, arrangements, basta sa lahat-lahat.
Hindi kasi masyadong busy si Nina kaya natutukan niya ito.
Wala na siya sa ASAP Rocks at any moment daw ay mapapanood na ito sa TV5.
Available na sa lahat ng Odyssey outlet nationwide ang Stay Alive.
Anak ng may-ari ng maraming taxi sa Pilipinas ang boyfriend ni Nina kaya huwag kayong magtaka kung bakit magaganda ang kotse niya.
- Latest