^

PSN Showbiz

Sa paglipat ni Sharon sa TV5: 'We will truly miss her' - Kapamilya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

“Sharon Cuneta has her reasons for moving to another channel and we would like to respect that. Sharon has been a revered kapamilya for many years, and we genuinely wish her well in her new journey. We will truly miss her.”

Ito ang kabuuan ng official statement ni Mr. Bong Osorio ng ABS-CBN Cor­porate Communications Division after na pumirma si Sharon Cuneta ng kontrata sa TV5.

Halos tatlong dekada ring nasa pangangalaga ng ABS-CBN si Sharon.

Samantala, official na rin ang paghihiwalay ni Vice Ganda at ng kanyang manager na si Ogie Diaz. Ayon pa rin sa statement ni Mr. Osorio, nagkasundo ang dalawa ngayong buwan na ang home network na niya (Vice) ang mamahala sa career ng komedyante.

“Si Vice ay hahawakan ng Business Unit Head na si Deo Endrinal para sa Kapamilya Network. Mananatiling eksklusibong artists ng ABS-CBN sina Vice Ganda at Ogie Diaz,” ayon sa stetement.

Matagal na pinag-usapan ang nasabing hiwalayan nila. Pera umano ang ugat ng nanlamig nilang pag­sa­sama.

Andi Eigenmann nanganak na

Nanganak na si Andi Eigenmann kahapon ng hapon.

Pinangalanan ang unang anak ng young actress na Adrianna Gabrielle – 7.8 lbs. via caesa­rean.

Sa kabila ng panganganak ni Andi, wala pa ring confirmation ang pinanga­lanang ama ng anak niya na si Albie Casino.

Mismong si Andi ang nagbuko na si Albie ang ama ng anak sa kanyang blog kahit ayaw uma­min ng young actor.

Movie nina Sarah at Gerald tatlong milyon ang bumoto

Waging-wagi si Sarah Geronimo sa katatapos na ASAP Pop Viewers’ Choice Awards na ginanap last Sunday sa ASAP Rocks.

Sa 22 categories, pito ang napanalunan ng Pop Princess.

Literal na hinakot niya ang Pop music category – Pop Female Artist, Pop Song for Sino Nga Ba Siya, Pop Album para sa One Heart, Pop Music Video para sa music video ng Sino Nga Ba Siya.

Siya rin ang nag-uwi ng Pop Cover Girl and Twittezen kahit hindi naman siya active twitter user.

Ikapito ang Pop Movie Category para sa una nilang pelikula ni Gerald Anderson na Catch Me I’m in Love. Ayon sa report, nakakuha ang pelikula ng 3 million votes kumpara sa mga kalaban nilang pelikula. 

“Thank you Guys! Maraming salamat popsters! Maraming maraming, salamat,” sabi ni Sarah matapos tanggapin ang mga award.

Samantala, excited na si Sarah sa sisimulang project for ABS-CBN. Once a week ito.

Bukod sa nasabing show, siyempre sobra-sobra rin ang nararamdaman niyang excitement sa bagong pelikula nila ni Gerald, Won’t Last A Day Without You under Star Cinema and Viva Films.

“Kabado po na na-e-excite. Ang saya,” sabi ni Sarah.

ADRIANNA GABRIELLE

ALBIE CASINO

ANDI

ANDI EIGENMANN

OGIE DIAZ

POP

SHARON CUNETA

SINO NGA BA SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with