^

PSN Showbiz

Alok na kasal ni Pacman sa Las Vegas tinanggihan ni Jinkee

- SEEN SCENE -

PIK: Mainit ang episode ng Protégé na ginanap sa SM Fairview kamakalawa ng gabi dahil tila napag-initan ng mga judges ang grupong So Wat? na protégé ni Rey Valera.

Napanood kasi ng mga judges sa isang episode ng Inside Protégé ang pagtataray ng isang miyembro ng grupo na si Ermund Regacion.

Hindi ito pinalagpas ng mga judges kaya sinabon ito nang bonggang-bongga at nilait pa ang performance nila.

Pero na-save sila ng mga text votes at si Lovely Embuscado na protégé ni Jaya ang natanggal.           

PAK: Very reliable ang nagkuwento sa aming talagang break na sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda.

Pero na-maintain pa rin naman ang friendship kaya tuloy pa rin ang komunikasyon nilang dalawa.        

Pero sa presscon ng pelikulang The Road, de­retsahang sinagot ni Louise na sila pa rin at walang break-up na nangyari.

Totoo nga bang kaya nakipag-break na si Enzo dahil sa hindi na ma-take ang pangingialam ng ina ni Louise?

BOOM: Dumating na rin ang ating Pambansang Kamao na si Rep. Manny Pacquiao kasama ang asawa nitong si Jinkee.

Walang personal na tanong ang sinagot nila nang sinalubong sila ng media sa airport.

Sana sagutin nila ang kumalat na balitang nagpa­kasal sila uli sa Amerika.

Napabalita sa isang news sa Internet na inalok ni Manny si Jinkee na magpakasal sila uli roon sa Las Vegas, Nevada pero tumanggi ang huli.

Hindi lang natin sure kung kinulit siya uli ni Manny at napapayag na ito.

Okay na okay na sila ngayon at maayos nilang napag-usapan ang isyung hinaharap nila. Kaya ayaw na nila ng mga negatibong isyu, at gusto na ng kongresistang bumalik sa trabaho.

EACUTE

ENZO PINEDA

ERMUND REGACION

INSIDE PROT

JINKEE

LAS VEGAS

LOVELY EMBUSCADO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with