Iligal na bentahan ng LPG titiktikan
MANILA, Philippines - Bukod sa pagsumbong sa katiwalian, takot para sa sarili nilang mga buhay ang nag-udyok sa isang residente sa North Caloocan na dumulog kay Anthony Taberna ng XXX para sa diumano’y iligal na bentahan ng LPG (gas) sa kanilang lugar.
Isang paupahang bahay diumano ang nagsisilbing pugad ng bentahan ng LPG na naglalagay sa peligro ng mga kalapit bahay doon.
Ang pangamba ng ginang, baka matulad sila sa insidente noon sa kanilang lugar na may nasunog na kabahayan dahil sa pagsabog ng tangke ng LPG.
Hinirang na Best Public Service Program sa katatapos lang na 20th KBP Golden Dove Awards, ang XXX ay nakapagsiwalat na ng maraming katiwalian sa lipunan. Ilan sa mga pinakapinag-usapang isyu sa bansa ay dahil sa exposé ng programa tulad ng lolang walang awang kinulong at minaltrato sa loob ng kulungan ng aso at ang paglabas-masok ni dating Batangas Governor Antonio Leviste. Ang dalawang naturang exposé ay parehong nominado para sa Outstanding Crime/Investigative Program category sa nalalapit na Golden Screen Awards For TV. Nominado rin ang programa para sa Best Public Service Program maging anchors nito para sa Best Public Service Program Host sa gaganaping Star Awards for TV.
Tutukan ang buong kuwento ni Anthony ngayong Lunes (Nov. 21) sa XXX kasama rin sina Pinky Webb at Julius Babao pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo sa parehong araw, 9:15 p.m.
- Latest