Regine at Ogie ilalantad na ang anak!
MANILA, Philippines - Papatunayan ng Party Pilipinas ngayong Linggo na sila ang tahanan ng country’s music royalties, mula sa kanilang pinagmulang angkan at pamilya sa episode na Proud Ako!
Ang premiere singer-songwriter at proud father, na si Ogie Alcasid ay ipaparinig ang kanyang special song para siyempre sa kanyang maybahay na si Asia’s Songbird Regine Velasquez at sa kanilang anak na si Nathaniel James Velasquez-Alcasid.
Ipapakilala si baby Nate ng mag-asawa sa publiko sa unang pagkakataon.
Samantala si Gwendoline Ruais ay muling pahahangain ang mundo sa kanyang special performance sa pagdiriwang bilang 2011 Miss World First Princess. Marami pang proud beauties – nandiyan sina Solenn Heussaff, Rhian Ramos, Lovi Poe, Sarah Lahbati, and Heart Evangelista na hindi pahuhuli sa pagiging sweet, sexy, sa pagbibigay ng kakaibang treat.
Makikisaya sa Pinoy pride na sina Ogie, Janno Gibbs, Dingdong Dantes, Jay-R, Dennis Trillo, at ang 2011 Aliw Award’s Outstanding Male Performer, at birthday boy na si Gian Magdangal sa kanyang OPM hits.
Birthday naman ng isa sa mga La Diva, si Jonalyn Viray na nanalo ng award for Best Performance by a Female. Kasama sa Aliw awardees as Best Male and Female Teen Performers sina Elmo Magalona and Julie Anne San Jose na pasasayahin ang mga Julielmoes fan sa kilig-proud number ngayong Linggo. Hindi patatalo ang Next Gen showbiz royalties na sina Arkin Magalona and Leana. Ang Keso Boys ay present din kasama ang heartthrob crooner na si Steven Silva sa celebration.
Nandiyan din sina Aljur Abrenica and XLR8 na magpapaindak sa inyo. Huwag namang kukurap kay Sam Pinto.
Lahat nang ito ngayong Linggo sa nangungunang Sunday show ng GMA 7.
- Latest