^

PSN Showbiz

Sarah nahilo nang maghubad si Gerald

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nahilo si Sarah Geronimo nang maghubad sa harap niya si Gerald Anderson. Yup, palibhasa virigin ang mata niya sa katawan ng lalaki, lalo na nga’t nakahubad, umaming shocked siya at hindi nakatingin ng diretso.

“Eh kasi po, parang hindi naman talaga ako sanay. May nakikita naman ako pero ‘yung actual, siyempre wala,” sabi ni Sarah na tawa nang tawa kahapon sa presscon ng movie nila ng actor na Won’t Last A Day Without You.

Actually dahil hindi siya makatingin, ginawan siya ng guide ng director nilang si Raz de la Torre.

Pinasunod niya ng tingin ang pop princess kaya na-perfect nila ang eksena.

Kabaliktaran naman ito kay Gerald na pinag­handaan daw talaga niya ang nasabing eksena as in work out to death siya para perfect ang abs niya paghubad sa harap ni Sarah.

Actually, isa ang nasabing eksena sa nakakakilig dahil natural ang reaction ni Sarah at siya mismo ang nagsabi na nagamit niya ang naging reaction niya para mas lumabas nga ang kanaturalan nila sa mga eksena.

Obvious na rin during the presscon ang pagi­ging comfortable na ng pop princess kay Gerald. In fact, humahawak-hawak na siya sa kamay at hita ng aktor habang nagpapaliwanag. At dumidikit-dikit na siya.

Game na game na rin siya sa mga pang-uud­yok sa kanila ni Gerald pero agad siyang bumaling sa kanyang Mommy Divine na for the movie lang ‘yun.

Inulit niya rin na kung sino ang magiging boyfriend niya ay siya nang pakakasalan niya. Kaya si Gerald naman ang binalingan na baka takot siyang ligawan si Sarah dahil baka magpakasal agad sila.

Pero mabilis ang salo ni Sasa para kay Gege (character nila sa una nilang pelikulang Catch Me… I’m In Love). ‘Wag naman daw i-pressure ang actor.

Anyway, ang lakas ng kilig factor ng Won’t Last A Day Without You. Grabe sa presscon pa lang, kilig-kiligan na ang lahat lalo na ang mga ilang fans na pinapasok na panay ang sigaw tuwing sasagot ang dalawa.

Twitter ni Mr. Gozon, peke

 Please be informed that GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon does not have a Twitter account. Any account using Atty. Gozon‘s name is fictitious. Ito ang text message kahapon ng GMA 7 PR Department.

vuukle comment

CATCH ME

FELIPE L

GEGE

GERALD ANDERSON

GOZON

IN LOVE

LAST A DAY WITHOUT YOU

NIYA

SARAH GERONIMO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with