^

PSN Showbiz

Pacman magbabawas ng mga alalay

- SEEN SCENE -

SEEN : May mga mawawala sa “cordon sanitaire” at entourage ni Congressman Manny Pacquiao sa pag­babalik nito sa Pilipinas dahil sa pagbalasa na ga­gawin niya.

SCENE: Mahiyain ang nanay ni Miss World First Princess Gwendoline Ruais. Tumanggi siya na magpainterbyu sa mga reporter na lumapit sa kanya sa press­con ng Miss World Philippines para kay Gwendoline.

SEEN: Nasapawan ng mga balita ng pag-aresto kay former President Gloria Macapagal-Arroyo ang arrival sa bansa ni Gwendoline Ruais noong Biyer­nes. Guest ngayon si Gwendoline sa Party Pilipinas at mag­sa­sayaw siya.

SCENE: Hindi pinayagan si dating Pangulong Gloria Arroyo na bumiyahe sa Singapore noong Biyernes habang nagbabakasyon naman doon si former President Joseph Estrada na ipinakulong noon ni GMA. Ito ang gulong ng palad.

SEEN: Huminto si Geneva Cruz sa pag-tweet dahil sa pagdami ng kanyang Twitter haters. Mga below the belt ang banat kay Geneva dahil sa mga kaartehan na ipinakita niya sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.

SCENE: Ang hula na hindi magtatagal ang re­lasyon nina Luis Manzano at Jennylyn Merca­do. Future Mark Herras, Patrick Garcia, at Dennis Trillo at si Luis.

SEEN: Kailangan ni Louise delos Reyes ng fashion stylist dahil hindi bagay sa kanyang perso­nalidad ang mga damit na isinusuot niya.

SCENE: Hindi natuloy ang pag-uwi ni Enzo Pineda sa Pilipinas dahil nagkaroon ng technical problem ang eroplano na sinasakyan nila. Nagpapasalamat si Enzo dahil walang masamang nangyari nang masira ang mga gulong ng eroplano.

CELEBRITY DOUBLES SHOWDOWN

DENNIS TRILLO

ENZO PINEDA

GENEVA CRUZ

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

GWENDOLINE

GWENDOLINE RUAIS

JENNYLYN MERCA

JOSEPH ESTRADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with