^

PSN Showbiz

Rhian nagpasikip ng tummy!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

“Wala lang” ang sagot ni Rhian Ramos kung para saan ang ipinagawa niyang Biosculpt sa Belo at Multifirm sa tummy niya sa Sexy Solutions at Belo eh sabi nito, loveless siya ngayon at hindi rin naghahanap ng boyfriend. Hindi rin daw siya laging nakikipag-date dahil it takes time to know someone.

Samantala, maaawa kay Rhian ang manonood ng The Road sa kanyang mga dinanas sa shooting hanggang kung paano nag-end ang kanyang karakter.

First time makatrabaho ni Rhian si Direk Yam Laranas at natuwa siya sa ginawa nito para maalis ang insecurity na hindi siya magaling sa kanyang mga eksena.

“Sa kanya, when you do something right, sa­sabihin niya sa ’yo. Sa first shooting day, he texted me that I did a good job at inulit niya ‘yun sa second shooting day. I need cheering up that time dahil feeling ko, ang pangit ng mga eksena ko. I did not ask na i-compliment niya ako, but it helped a lot. Na-build ang trust ko sa kanya, totoo ‘yun.”

Balita pala ni Rhian, hindi pa siya nakakalipat sa condo unit niya sa may The Fort dahil it takes money daw to furnish a condo. Gagawin niyang halfway house ang condo dahil gusto pa rin niyang kasama ang mom at sister niya.

Mo Twister lalayasan na ang ‘Pinas

Tinanong namin si Mr. Perci Intalan, bossing ng TV5 kung ano ang mangyayari sa kontrata ni Mo Twister sa network ngayong desidido na itong umalis ng bansa at mag-relocate sa New York. In-update nito ang followers niya sa Twitter sa kanyang mga plano at ang latest naming nabasa, he’s selling his car and some of his stuff at ang iba’y ipina-ship na niya.

Nalulungkot nga si Mo dahil maiiwan niya ang kanyang fish tank, pero may friend siyang sasalo sa pag-aalaga sa mga alaga niyang isda. Mahahalata ring nalulungkot si Mo sa kanyang pag-alis, pero kinakailangan.

Anyway, sabi ni Mr. Perci, hindi pa sila nag-uusap ni Mo at kailangan nilang mag-usap bago ito umalis para malaman niya kung hanggang kailan ito mawawala. Kaya hindi pa siya makapag-comment. Sa kanyang pag-alis, maiiwan ni Mo ang Paparazzi at Juicy.

AJ napasabak agad sa iyakan

Hindi na lang sa Bagets mapapanood ang magka-love team na sina AJ Muhlach at Nadine Ilustre dahil kasama rin sila sa P.S. I Love You  sa role nina Paul at Candice respectively. Ang love team ng dalawa ang magbibigay ng kilig sa dramaserye na magsisimula na sa Lunes, November, 21.

Parehong nagpasalamat sa TV5, sa Viva TV, kina Direk Elaine Lozano at Robert Quebral ang dalawa sa tiwala at pagsama sa kanila sa dramaserye. “Kilig” ang sagot nila sa tanong kung ano ang ma-i-expect ng viewers sa kanila.

Kuwento ni AJ, crying scene agad ang eksena nila ni Gabby Concepcion who plays his dad, at binigyan siya nito ng technique kung paano gagawin ang eksena. “Happy ako nang malaman kong I’ll be working with them dahil alam kong marami akong matututunan sa kanila. Malayo sa Bagets ang role ko rito,” sabi ni AJ.

BAGETS

BELO

DAHIL

DIREK ELAINE LOZANO

DIREK YAM LARANAS

GABBY CONCEPCION

MO TWISTER

NIYA

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with