^

PSN Showbiz

Kahit pa masaktan, Gerald binubuyong ma-in love na si Sarah

- Veronica R. Samio -

Siguro may matututunan si Sarah Geronimo sa kanyang ka-partner na si Gerald Anderson pagdating sa love. Maski rin naman nag-fail ang relationships ng Bugoy star, naging masaya naman ito sa mga nakarelasyon niya. Maganda ‘yung payo niya kay Sarah na huwag matatakot pumasok sa isang relasyon. Mag-fail man ito, at least sumubok siyang magmahal at maging masaya. Sori na lang kung hindi ito mag-prosper.

Kahit single sa kasalukuyan, masaya sina Gerald at Sarah. Ano ngang malay natin baka sila pa ang maging magkapalaran in the end. Pareho naman silang kumukuha lang ng inspirasyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Mga bata ng Pinoy Junior Master Chef pang-mayaman ang mga niluluto

Parang hindi kapani-paniwala na mayroong 12 bata na may edad mula 9 hanggang 12 ang mas marunong magluto kaysa sa akin? At marami silang alam na lutuin na maaring hindi ko alam pero puwede kong lutuin nang hindi ako dadaan sa alin mang culinary school na naglipana sa bansa ngayon na kailangang may pera ka para  ka makapag-enrol.

Gone are the days na ang simpleng handaan ay kumpleto na kapag may pansit, menudo, caldereta, lumpiang shanghai, potato salad na kung hindi namumula dahil sa sugar beets ay napapalibutan naman ng asparagus at leche flan. Ganito pa rin ang makikitang isinisilbi sa mga handaan ngayon pero ang pansit may pineapple tidbits na, ang leche flan may sago, cherry o buko na, sa halip na potato, macaroni salad na may mansanas at peaches, at natatabunan na ang lasa ng mayonnaise ng matamis na lasa.

Nag-iba na ang paraan ng pagluluto ng mga ulam depende sa kung ikaw ay produkto ng culinary school na may tawag na chef o pinahusay lamang ng maraming taon ng paghahanda ng pagkain.

May 12 kabataang napili mula sa daan-daang mga bata na sumali sa programa ng ABS-CBN na Junior MasterChef Pimoy Edition. Napili sila matapos magpakita ng gilas sa kusina.

Mamayang gabi, kailangang pabilibin ng 12 ang mga hurado sa pamamagitan ng pag-iimbento ng mga putaheng gawa sa shellfish.

Tumatayong judges ng programa ang mga pare-parehong chef na sina Juday Agoncillo,  Ferns, Lau, at Jayps.

Ending ng 100 days… hindi pinabayaan

Enjoy ‘yung nakapanood ng last episode ng 100 Days to Heaven. Hindi nagpabaya ang ABS-CBN para mabigyan ang manonood ng serye ng isang magandang wakas. Sa tatlong huling gabi nito ay humirit pa ang show, sabay-sabay na nag-guest para gawing kapana-panabik ang pag-akyat ni Ana Manalastas (Coney Reyes/Xyriel Manabat) sa langit.

Biruin mo, ang lalaking mga artista ang guma­nap na tagasundo (Vilma Santos, Noel Trinidad, Jake Cuenca, Coco Martin). Natapos din ang problema ni Ana sa kanyang ina (Susan Roces) at anak (Jodi Santamaria). Nakilala ni Jodi ang kanyang lola at tiya (Rita Avila) at sinabing gusto niyang makilala pa ang pamilya ng kanyang ina.

 Hanggang sa huli, hindi binigo ng 100 Days to Heaven ang mga manonood. 

Napakaganda ng finale nito. Sana maganda rin ang kasunod na serye nito.

Kasalang Jolina at Kyla magkasunod lang

Dalawang araw lamang ang pagitan ng kasal ng magkaibigang Kyla at Jolina Magdangal. Pero matutupad ang unang sinabi ni Jolens na pauunahin niya si Kyla. ‘Yun nga lang, hindi niya inakala na halos magkasunod lamang ang araw ng pagpapakasal nila, si Kyla kahapon. Nob. 18 at si Jolens sa Lunes, Nob. 21. Huwag na nating alamin pa ang mga ibang detalye, sigurado namang mapapanood natin pareho ang kasal nila sa GMA7.

Star awards for TV magbibigay ng award sa mga natatanging alagad

Handang-handa na ang Philippine Movie Press Club  (PMPC) sa pagkakaloob ng mga tropeo para sa mga natatanging alagad ng telebisyon, sa kanilang 25th Star Awards for TV, na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Manila Resorts World, Pasay City sa Nov. 22, 6PM.

Magsisilbing hosts sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Piolo Pascual, at Shamcey Supsup.

Sa opening ay magtatanghal ang El Gamma Pe­numbra at ang international singer na si Lea Salonga. Susundan ito ng special number nina To­­ni Gonzaga, KC Concepcion, Erik Santos, at Sam Milby. At ang closing number ay ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Mapapanood ang kabuuang pagtatanghal sa Nob­yembre 27, 2011, 10:30 pm, sa Kapamilya Sun­­day’s Best ng ABS-CBN.

Eddie at Gloria balik-kapamilya!

Tampok sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Nobyembre 19) ang Singsing episode na pinagbidahan nina Eddie Garcia at Gloria Romero kung saan binigyang buhay nila ang kuwento ng wagas na pag-ibig nina Panyong at Etrona.

Sa ilalim ng direksiyon ni Jeffrey Jeturian at pa­­­­nulat ni Ruel Montañez, kasama sina Bembol Roco, Megan Young, Janus Del Prado, Glenda Gar­­­cia, Tania Gomez, Archie Alemania, Kyle Balili, at Simoun Ibarra.  

AI AI

ANA MANALASTAS

ARCHIE ALEMANIA

BEMBOL ROCO

COCO MARTIN

KYLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with