^

PSN Showbiz

Anne sobrang lakas ng loob!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Talagang pinangangatawanan na ni Anne Curtis ang pagiging singer. I’d like to see her performance sa nakatakda niyang concert sa Araneta Coliseum na I’m sure ay hindi itatampok ang boses niya kundi ang kakayahan niyang mag-perform.

Hindi naman siguro papayag ang kumpanya niyang Viva na ilagay siya sa kahihiyan, gagawa at gagawa sila ng paraan para masulit ang panonood ng maraming darayo ng Big Dome para makita kung ano ang kaya niyang gawin.

Ang maganda kay Anne, malakas ang kanyang loob at very confident na she has something to offer. Aber, tingnan nga natin!

Maricel mapapahamak sa pagsasalita

Sana pinangatawanan na ni Maricel Soriano ang hindi pagsasalita tungkol sa kaso niya kontra sa dalawang naging katulong niya na sinampahan siya ng kaso sa korte. Baka sa pagbibigay niya ng komento ay mabuksan na naman ang isyu, siya rin ang maaapektuhan dahil siya ang artista. Siya ang malalagay sa alanganin.

Dennis suwerte

Napakasuwerte naman ni Dennis Trillo, pag-aagawan siya nina Solenn Heussaff at Agot Isidro sa Yesterday, Today, Tomorrow ng Regal Films.

Totoo ang sabi niya na alagang-alaga siya ng Regal. Pero bakit naman siya hindi aalagaan ng Regal, eh asset siya ng kumpanya?

Bukod sa magaling na artista ay hindi pa nagbibigay ng problema sa produksiyon. At maganda ang record ng mga pelikula niya.

vuukle comment

ABER

AGOT ISIDRO

ANNE CURTIS

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

DENNIS TRILLO

MARICEL SORIANO

REGAL FILMS

SIYA

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with