^

PSN Showbiz

Produ itutuloy ang demanda sa actress na sumuway sa kontrata

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natsika sa amin na tuloy ang balak ng isang producer na idemanda ang aktres dahil sa paglabag sa pinirmahang kontrata ng dalawa sa producer.

’Kaloka lang dahil ikinukuwento ito sa amin habang nagpi-pictorial ang aktres para sa pelikula niya sa film company ng producer.

Napansin tuloy namin na tila hindi masyadong kinausap ng producer ang aktres at hindi inilapit sa press para ma-interview. Unlike sa isang cast ng movie na tinabihan pa ng producer sa interview para mabantayan ang mga itatanong sa aktres.

Hindi nabanggit kung kailan magpa-file ng demanda ang producer pero lumambot kaya ang puso nito sa nabanggit ng aktres na sa karosa ng movie niya with the producer na balak siyang idemanda siya sasakay sa December filmfest parade at hindi sa isa pa niyang pelikula?

Barbie feeling minamanmanan

Eight days nag-shooting si Barbie Forteza sa The Road pero hindi mapapansin ang ikli ng shooting days niya dahil mahaba ang exposure niya sa GMA Films movie na dinirehe ni Yam Laranas.

Natakot at natawa siya habang ginagawa ang pelikula dahil feeling niya sa shooting nila sa Teresa, Rizal at abandoned house sa Lagro, may nakatingin sa kanya at nakakatawa dahil alam niyang walang nakamasid.

Maganda ang working experience niya kay Direk Yam at given the chance, gusto uling gumawa ng mga ganitong tipo ng pelikula si Barbie dahil naiibang challenge.

Kahit wala siyang love interest dito, naniniwalang magugustuhan ng mga fans nila ni Joshua Dionisio ang labas niya sa The Road na showing sa Nov. 30.

Kahit walang love scene sa pelikula lovi magbabago ng isip para kay Jericho

May natitira pang shooting days ang Yesterday, Today, Tomorrow at umaasa si Lovi Poe na wala siyang love scene. Pero nagbiro na puwedeng magbago ang isip niya kung love scene with Jericho Rosales.

Say niya, “I’m sure everybody’s tired of seeing me doing love scenes, si Solenn (Heussaff) naman ang mag-love scene, siya ang sexy. Wholesome ako rito, this time walang masyadong sexy scenes and it’s really cool. I’m doing something different. Pero kung gusto nila, why not?”

Anyway, malapit nang muling mapanood sa TV si Lovi dahil kasama siya sa Legacy ng GMA 7 at sa Nov. 21, na ang taping. Nalaman naming may offer ang GMA Films na movie with Richard Gutierrez pero kailangan nilang ipagpaalam ito sa Regal Entertainment, Inc. dahil may exclusive contract siya rito.

Ganun din ang gagawin ng Viva Films kung itutuloy ang pagkuha kay Lovi for a movie project.

Luis Alandy karay-karay ang gf na dating showbiz

Pamilyar sa amin ang mukha nang ipinakilalang girlfriend ni Luis Alandy sa burol ni Lito Calzado dahil parang nakita na namin.

Nang banggitin ng aktor ang name ng GF na si Bebs Hollman, naalala naming isa siya sa Hollman twins na naging talent ng ABS-CBN at lumipat sa GMA 7 pero out of showbiz na yata dahil wala kaming nababalitaan sa kanya. Hindi namin masyadong natanong si Luis sa GF dahil nasa burol kami but the next time na makita namin siya, iinterbyuhin namin siya sa kanyang love life. Wala pang next project si Luis after Iglot pero nagbirong sana bida naman ang role niya sa next soap.

vuukle comment

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BEBS HOLLMAN

DAHIL

DIREK YAM

JERICHO ROSALES

JOSHUA DIONISIO

LUIS ALANDY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with