Sino ba talaga?, No Other Woman at Praybeyt Benjamin parehong highest-grossing local movie of all time
SEEN : Tinanggap din ni Juan Manuel Marquez ang US$5 million prize na tinanggihan niya dahil nanghinayang siya. Umarte muna si Marquez dahil sa kanyang paniniwala na siya talaga ang nanalo sa huling laban nila ni Congressman Manny Pacquiao.
SCENE : Garrie Concepcion ang ginamit na showbiz name ni Gabrielle, ang lovechild ni Gabby Concepcion kay Grace Concepcion. Visible si Garrie sa TV dahil ipino-promote niya ang kanyang debut album.
SEEN : Nadagdagan ang bilang ng Twitter followers ni Janelle Manahan dahil sa trahedya na nangyari sa kanila ng boyfriend na si Ramgen Revilla.
SCENE : Nag-umpisa na ang taping ng remake ng Valiente. Mga bida sa Valiente sina Oyo Sotto, JC de Vera, Niña Jose, at Nadine Samonte.
SEEN : Ang press release na ang No Other Woman ang highest-grossing local movie of all time. Ang press release na ang Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda ang highest-grossing local movie of all time.
SCENE : Nakakapagod panoorin ang mga eksena nina Lotlot de Leon at Ritz Asul sa Glamorosa. Napipilitan ang viewers na maglipat ng channel dahil sa exaggerated acting nina Lotlot at Ritz.
SEEN : Ang report ng Box Office Mojo sa resulta ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong November 2 hanggang November 6.
- Latest