^

PSN Showbiz

Ang mag-anak ni Pepeng Agimat dawit sa kontrobersiya

-

MANILA, Philippines - Nababalot ngayon sa kontrobersiya ang pamilya ni Ramon Revilla Sr. dahil sa brutal na pagpaslang sa anak niyang si Ram, kung saan itinuturong utak ang nakababatang mga kapatid na sina Ramona at Ramon Joseph.

Lumabas ang mga anggulong inggitan sa pera at pagmamahal kaya nabuksan sa publiko ang personal na buhay ng mga Revilla.

Kikilalanin ng mga tagapagbalitang sina Jorge Cariño at Jing Castañeda ngayong gabi, 9:45 p.m. sa ABS-CBN - Patrol ng Pilipino ang angkan ni Ra­mon na sikat hindi lang sa larangan ng pelikula at pulitika kundi maging sa laki nito.

Sa kabila ng mga negatibong balita, aalamin nina Jorge at Jing kung paano na­susuportahan ng patriyarko ang kanyang 72 anak, kung saan 39 ay ginaga­mit ang apelyidong Revilla.

Bilang isang dating senador, naisabatas ni Ramon ang “Revilla Law,” isang pag-amiyenda sa Family Code na nagpapahintulot sa mga anak sa labas na gamitin ang apelyido ng kanilang ama. Isinasaalang-alang din ng batas na ito ang pagkakapantay-pantay ng mga anak kung mayroong mamanahin.

Saksihan ang buong kuwento sa Best TV Public Affairs Program ng 20th KBP Golden Dove Awards. Ginawaran din ito ng special citation para sa kategoryang Best News Magazine Program ng 33rd Catholic Mass Media Awards, at nominado naman bilang Outstanding News Magazine Program sa 2011 Golden Screen TV Awards.

vuukle comment

BEST NEWS MAGAZINE PROGRAM

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

FAMILY CODE

GOLDEN DOVE AWARDS

GOLDEN SCREEN

JING CASTA

JORGE CARI

OUTSTANDING NEWS MAGAZINE PROGRAM

PUBLIC AFFAIRS PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with