Time... hanggang Friday na lang
MANILA, Philippines - Huling linggo na ng Time of My Life.
Sila sana ang mas maunang magba-babu sa ere kesa sa Iglot pero na-extend sila.
Kaya malalaman na nina Lisa (Jean Garcia) at Fred (Raymond Bagatsing) ang katotohanang si Shane (Kris Bernal) ang kanilang anak na inakala nilang patay na. Wala nga lang silang magawa dahil nasa state of coma ang dalaga dahil sa naganap na sakuna sa dance concert.
Mayroon na kayang magpaparaya kina Patrick (Mark Herras) at Jason (Rocco Nacino) para hindi na mahirapan si Shane sa pamimili sa kanilang dalawa?
Kumpleto na ang pamilya ni Shane at papatirahin siya ni Lisa sa bahay nila nina Gregory (Emilio) at Zaira (LJ Reyes). Dahil hindi matanggap ni Zaira ang lahat, pagmamalupitan pa rin niya si Shane.
Samantala, mahuhuli ni Fred na may ibang babae si Greg. Magkaroon kaya siya ng pagkakataong sabihin ito kay Lisa?
Si Martha (Cherie Gil) ay walang sinasayang na pagkakataon sa kanyang paghihiganti. Dahil si Douglas (Rez Cortez) ang nagsabi kina Fred at Lisa tungkol sa pagkatao ni Shane ay pagtatangkaan niya itong patayin. Sasapitin din kaya ni Douglas ang nangyari kay Carlotta (Tanya Gomez) sa mga kamay ni Martha?
Sa susunod na kuwento, paganda nang paganda ang mga pangyayari sa buhay ni Shane. Bukod sa nagkabalikan na ang kanyang mga magulang, nagkaroon pa siya ng sariling show - ang Dancing Princess.
Maayos din ang relasyon niya kina Patrick at Jason . Pero magtatagal kaya ang magagandang bagay na ‘to habang malaya si Martha (Cherie Gil) at patuloy namang namumuhi si Zaira (LJ Reyes) kay Shane?
- Latest