Gabby hindi man lang nakausap o nakasama ng matagal si Piolo
Balik-tambalan nina Gabby Concepcion at Maricel Soriano ang Yesterday, Today, Tomorrow, entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF). Inspirado si Mother Lily Monteverde dahil naisip na gawan ng part two ang Pepe en Pilar ng dalawa at nag-piano pa ng Christmas songs.
Ex-couple ang role nina Maricel at Gabby sa nag-iisang drama entry sa filmfest at anak nila si Eula Caballero at fiancée ni Gabby si Carla Abellana. Sa movie masasagot kung magkakabalikan sina Maricel at Gabby o matutuloy ang kasal nina Gabby at Carla.
Samantala, hindi nakaiwas ang aktor sa mga tanong tungkol sa anak na si KC Concepcion at Piolo Pascual. Hindi niya alam ang nangyayari sa on and off relationship ng dalawa, gusto sana niyang malaman pero ayaw niyang makialam.
‘I can give advice kung hihingi si KC, but the ultimate decision is hers. Basta, think before you decide. Tungkol sa pag-iyak ni KC, in every relationship laging may pinagdadaanan na ganun, normal ’yun.’
Nabago ba ang impression niya kay Piolo?
“Hindi ko kilala si Piolo. No small talk, no teleserye and movie together. No encounter, no family get-together. Nagkita lang kami sa pictorial ng Star Magic, ’di rin kami nag-usap, nagbatian lang. I won’t start it, sa kanila dapat ’yun,” diretsong sabi ng aktor.
Sarah type ng tatlong aktor sa magkakaibang network
Ang haba ng hair ni Sarah Lahbati dahil three young actors from three different networks ang type siya. Si Martin Escudero ng TV5, si Derrick Monasterio ng GMA 7, at young actor from ABS-CBN. Ang alam lang namin, nasa birthday party siya ni Sarah sa Prive Bar sa The Fort, Taguig City.
Suwerte rin si Sarah dahil nagpahayag sina Martin at Derrick na hindi kukulitin si Sarah lalo’t kasisimula lang ng Kokak at alam nilang kailangan nitong mag-focus sa trabaho. Hindi rin nagpapataranta ang dalawa sa karibal nilang taga-ABS-CBN.
But how true na karibal na rin ng tatlo kay Sarah si JC Tiuseco na kasama ng dalaga sa Kokak?
Direk Yam inaapela ang R-13 ng pelikula
Na-interview si Direk Yam Laranas sa Showbiz Central last Sunday at nabanggit na nabigyan ng R-13 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang The Road at kahapon ay inapela nila ng GMA Films na mabago ang rating ng MTRCB at palitan ng PG-13.
Sabi ni Direk Yam, nakakagulat ang movie na showing sa Nov. 30 pero puwede pa ring panoorin ng mga bata. Tiniyak nitong matatakot at kikilabutan ang moviegoers sa movie. Malalaman natin ang magiging desisyon ni Chairman Mary Grace Llamanzares dito.
- Latest