Debut album na nakaka-in love pakinggan
MANILA, Philippines - Mula sa buena familia ang baguhang 16-year-old singer na si Raia Quiroz at inaalagaan ngayon ni Lito de Guzman ng LDG Productions ang nasabing talent from Angeles City. Ayon sa parents ni Raia na sina Ricky at Gloria, maliit pa lamang ang anak ay nakitaan na nila ng talento sa pag-awit at pagsayaw.
Rachelle Anne Franco Quiroz ang kanyang totoong pangalan. Panganay sa limang magkakapatid, magtatapos na siya ng high school sa OB Montessori. Nakapag-guest na sa concert ng Wonder Gays sa Zirkoh Morato, Quezon City at marami na siyang napahanga sa unang performance. Nagsisimula na rin siya sa kabi-kabilang mga radio and TV guestings. But then kahit na may mga schedules siya as an artist, top priority pa rin niya ang kanyang pag-aaral kagaya ng pangako sa kanyang mga magulang bago sila pumayag na pasukin niya ang showbiz.
Ang kanyang debut album Raia Quiroz: Tara Na na lahat ay OPM pop songs, sa packaging pa lang ng album ay siguradong masisiyahan na ang mga makakakita lalo na ’pag ito ay kanila nang napakinggan. Nakapaloob din sa Tara Na album ang mga awiting Baby Sorry Na, Hay Naku!, Mini-Mini Maynimo, Muntik Na, Para Kang Cell phone, Pangarap, Ikaw Lang, at ito ngang Tara Na, Tayo Na. Ang mga composers ng mga nasabing awitin ay walang iba kundi ang Jejemon singer-rapper na si Blanktape at ang premyado at blockbuster composer na si Boy Christopher at distributed ng D’ Concorde Recording Corp.
- Latest