Nag-prisintang ninong at ninang sa anak nina Ogie at Regine, dumagsa!
PIK : Nanganak na ang asawa ni Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu nung nakaraang Lunes, Nov. 7 sa Milan, Italy.
Text sa amin ni Alfred, normal delivery ’yun at mabilis lang nag-labor ang misis.
Tuwang-tuwang ikinuwento ni Alfred na siya mismo ang nagputol ng umbilical cord.
Next week ang balik ni Alfred ng bansa dahil kailangan niyang dumalo sa session ng council sa Quezon City Hall at nagti-taping na rin siya sa Christmaserye ng ABS-CBN.
PAK : Ang dami nang nagprisinta sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na mag-ninong at mag-ninang pero wala rin silang napag-usapan kung sino ang mga kukunin dahil nasa hospital pa rin naman si Regine at wala pa silang napagkakasunduan kung kailan ito bibinyagan.
Ang gusto ni Ogie, marami silang kukuning ninong at ninang para marami ang mag-aalaga kay Baby Nathaniel James.
“Siyempre we’re in our forties na. Maganda ’yun para marami ang maglu-look after sa kanya,” masayang pahayag ni Ogie.
Ang pipiliin naman nilang ninong at ninang ay mga taong malalapit talaga sa kanila at ’yung mga nagprisinta.
BOOM : Ipinagpaliban na ni Cong. Lani Mercado ang pagdalaw kay Janelle Manahan na nagpapagaling pa sa hospital.
Nakatakda sana itong dumalaw kahapon pero hindi na siya tumuloy dahil nalaman niyang ang daming media ang naghihintay sa kanya.
Gusto lang naman niyang dumalaw, kaya ayaw na n’yang makunan pa ’yun.
Sa halip na tumuloy sa hospital, dumalo na si Lani sa kasal nina Nonito at Rachel Donaire na ginanap sa Fernbrook Gardens sa Alabang at isa siya sa mga tumayong ninang.
- Latest