Maria Aragon nag-Las Vegas na
MANILA, Philippines - Umalis na ng bansa si Maria Lourdes Aragon, 11 years old at Fil-Canadian na YouTube sensation, lulan ng Korean Airlines flight KE 620 kasama ang ina na nakunan sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 via Seoul patungong Las Vegas, USA para umawit ng Lupang Hinirang sa Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez fight sa Nov. 12 sa MGM Grand Garden.
“Hindi ko ito inaasahan. Nanonood lang ako noon ng mga laban ni Manny Pacquiao mula noong maliit na bata pa ako. Ngayon, kinuha ako para kumanta ng National Anthem,” sabi ni Maria.
- Latest