^

PSN Showbiz

Dedma sa asawa sa Canada

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi lang ang press ang natuwa at nagulat sa “in character” na sagot ni Alice Dixson sa mga tanong sa kanya sa press launch ng Glamorosa. Isa sa mga co-stars ng aktres sa drama series ng TV5 ang hindi rin maipaliwanag ang reaction sa mga sagot ni Alice.

In fairness, hindi nito siniraan si Alice at hindi masasabing paninira ang sinabi nitong “weirdo ’yan.” Hindi na nakausap si Alice after the press launch dahil umalis agad. Sayang dahil tiyak na marami pa siyang one-liner na sasabihin.

’Kaloka nga rin ang sagot nito sa tanong kung ano ang magiging reaction ng husband niyang si Ronnie Miranda sa kissing scene nila ni Zoren Legaspi. Ang sagot ba naman, “Wala siyang magagawa, malayo siya. Respetuhan lang.” At alam daw niya ang kanyang limitation.

“I’m 42 years old, I’m a cougar at hindi na shocking at my age na magkaroon ng kissing scene. I’ve worked with Zoren before, walang problema,” sabi ni Alice.

Samantala, kasama si Alice sa Panday 2 bilang reyna ng mga dragon at ina ni Marian Rivera. Open siyang gumawa ng marami pang pelikula, naghihintay lang siya ng offer at gusto niya, right project.

Iza tatadtarin ng trabaho sa ika-sampung taon sa showbiz

Next year pa pala ang drama anthology ni Iza Calzado sa GMA 7 at hindi pa tiyak kung ilalagay nga ito sa Saturday time slot kapalit ng Comedy Bar. Ang drama anthology ng aktres ang sinasabing kick-off sa 10th anniversary niya sa showbiz, at ibig sabihin, marami siyang gagawing projects next year.

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging title ng drama anthology ni Iza dahil makikipag-meeting pa ang aktres kay Atty. Annette Gozon-Abrogar. Nagbigay na rin ng salita si Iza na mananatili siya sa GMA 7.

Sa ngayon, sa Party Pilipinas, Showbiz Exclusives ng GMA News TV Channel 11 at sa Eat…Bulaga muna siya napapanood, bilang host at hindi umaarte.

Rey Valera ipinag-shopping ng tig-p10k ang mga alaga

Ang suwerte ng So Wat? protégé ni Rey Valera sa Protégé ng GMA 7 dahil alagang-alaga sila ng kanilang mentor. Madalas silang bisitahin sa quarters nila at laging tsini-check ang kakantahin at performance nila.

Tapos niyaya pa silang mag-shopping sa Trinoma at nagulat sina Janina Gonzales, Kryst Alde, Ermund Regacion, at Sander Sigurdson nang bigyan ng tig-P10,000 na shopping money! Shoes, mga damit, at gamit na sinusuot nila sa performance night at binili ng apat. Pangako ni Rey na manalo o matalo, tutulungan niyang magka-career ang apat.

Duet with Mentor ang theme ng Protégé sa fourth elimination night sa Sunday, tiyak na special number ang ihahanda nina Rey at ng So Wat? singers.

Tonton Sinikreto Ang Tf Sa Tv5

Effective para kay Tonton Gutierrez ang desisyon niyang maging freelancer dahil hindi siya nawawalan ng project at palipat-lipat lang siya sa ABS-CBN, TV5, at GMA 7. Sa Kapatid Network siya ngayon dahil kasama siya sa Glamorosa sa role ni Giorgio na walang pera at mapapangasawa si Lorna Tolentino. Ang daming twist at sikreto ang kanyang karakter, kaya natsa-challenge siya.

Balita ang malalaking talent fee ng mga artistang nagtatrabaho sa TV5, pero ayaw itong kumpirmahin ni Tonton. Basta masaya siya sa TF niya at sa pag-aalaga sa kanya ng network at wala siyang reklamo.

Excited palang ibinalita ni Tonton na kundi second week ay third week ng Nov­ember isisilang ni Glydel Mercado ang second daughter nilang pangangalan nilang Aneeka Marie. Seven years silang naghintay ng kasunod ng eldest nila na excited ding maging ate.

ALICE DIXSON

ANEEKA MARIE

ANNETTE GOZON-ABROGAR

COMEDY BAR

ERMUND REGACION

IZA

REY VALERA

SIYA

SO WAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with