^

PSN Showbiz

ABS-CBN at DZMM nakakuha ng 28 Awards sa Golden Dove

-

MANILA, Philippines - Humakot ng 28 parangal ang ABS-CBN Corporation kabilang na ang Best TV Station para sa ABS-CBN at Best AM Radio Station para sa DZMM Radyo Patrol 630 sa ginanap pa lang na 20th KBP Golden Dove Awards.

Isang Kapamilya naman ang muling tumanggap ng prestihiyosong Ka Doroy Broadcaster of the Year sa katauhan ni Kabayan Noli de Castro. Ang naturang parangal ay tinanggap ni Ces Oreña-Drilon noong nakaraang taon at ibinibigay sa mga mamamahayag na nagpamalas ng husay sa personal at propesyonal na buhay.

Labing-apat na parangal ang nakuha ng iba’t ibang programa at personalidad ng ABS-CBN sa larangan ng news at entertainment habang 12 naman ang nakuha ng AM radio station nitong DZMM at dalawa naman para sa FM radio station nito na Tambayan 101.9.

Wagi ang TV Patrol bilang Best Newscast Program — Metro Manila, TV Patrol Tacloban bilang Best Newscast Program-Provincial, Patrol ng Pilipino bilang Best Public Affairs Program, XXX bilang Best Public Service Program, Sports Unlimited bilang Best Sports Program, Banal bilang Best Specials Program, Ryan Gamboa ng ABS-CBN Bacolod bilang Best Newscaster, at Bida Rizal bilang Best Television Station Promotional Material.

Tinanggap naman nina Coco Martin at Lorna Tolentino ang Best Actor and Actress for a Drama Program para sa kanilang husay sa pagganap sa te­leseryeng Minsan Lang Kita Iibigin, na kinilala namang Best Drama Program. Nanalo naman ang gag show na Banana Split bilang Best Comedy Program.

Para sa mga kategorya sa radyo, panalo ang DZMM Radyo Patrol 630 sa Best Newscast para sa Radyo Patrol Balita Alas Dose, Best Public Affairs Program para sa Dos Por Dos, Best Drama Program para sa Maalaala Mo Kaya sa DZMM, Best Public Service Program para sa Trabaho Panalo, Best Magazine Program para sa Todo-Todo Walang Preno, Best Sports Program para sa Sports Talk, Best Newscaster para kay Noli de Castro, Best Public Affairs Program Host para kay Usec. Zeny Maglaya, Best Magazine Program host para kay Winnie Cordero, Best Science and Technology Program Journalist para kay Louie Tabing at Best Radio Station Promotional Material para sa Pinoy Pride 6: Sound Effects.

Nag-uwi rin ng parangal ang Kapamilya FM radio station na Tambayan 101.9 para sa programa nitong Tambayan Top 10 na hinirang na Best Variety Program at si DJ Martin D bilang Best Music Radio Jock.

Ang taunnag Golden Dove Awards ay inoorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas. Ito ay naglalayong kumilala at magbigay pugay sa pinakamahuhusay na mga programa at personalidad sa radyo at telebisyon.

vuukle comment

BEST

BEST MAGAZINE PROGRAM

BEST NEWSCASTER

BEST PUBLIC AFFAIRS PROGRAM

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM

BEST SPORTS PROGRAM

BILANG

DRAMA PROGRAM

PARA

PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with