Drew Barrymore at Eddie Murphy pinakamataas ang bayad sa Hollywood
MANILA, Philippines - Nangunguna sa ngayon sa listahan ng mga overpaid na artista sa Hollywood sina Drew Barrymore at Eddie Murphy, ayon sa Forbes.com na nalathala kamakailan.
Kumita ng $17.8 million ang 2010 romantic comedy ni Barrymore na Going the Distance. Mas grabe ang kanyang 2009 movies na Everybody’s Fine at Whip it.
Sinabi ng Forbes.com na 40 porsiyento lang ng bawat dolyar na ginasta ng movie studios sa paglabas niya sa pelikula ang naibalik niya rito.
Ang mga pelikula naman ni Murphy ay nakapagbalik lang ng $2.70 sa bawat dolyar na ibinayad sa kanya.
Kumpara kay Barrymore, sinabi ni Dorothy Pomerantz na isang financial superstar si Murphy.
Pero nahirapan din sa nagdaang mga taon ang Beverly Hills Cop (1984) star na si Murphy dahil lugi ang mga pelikula niyang Imagine That at Meet Dave. Maaaring makapagpalubag ng loob ang bago niyang pelikulang Tower Heist at ang magiging gig hosting niya sa Oscars.
- Latest