Pagrampa ni Gwendoline sa 2011 Miss World ngayon na
MANILA, Philippines - Ngayong Lunes (Nov. 7), alas-diyes ng umaga, ay ieere ng GMA 7 ang 2011 Miss World Pageant na gaganapin sa Earls Court Exhibition Center, London, England.
Kinasasabikan nang mapanood ng mga Pinoy ang pambato ng bansa na si Gwendoline Ruais, ang kandidatang napili bilang pinakaunang Miss World Philippines noong Setyembre.
Ngayon pa lamang ay nagpapakitang-gilas at nakakatawag-pansin na si Gwen sa international pageant. Matagumpay siyang nakapasok sa tatlong Fast Track o pre-pageant events ng Miss World. Kabilang siya sa Top 20 Beach Beauties (swimsuit), Top 20 Model Semi-Finalists (modeling), at Top 30 Presentations for Beauty with a Purpose (charities at causes).
Kapag nagwagi si Gwen sa alinmang Fast Track event, garantisadong makakasali siya sa final round ng kumpetisyon.
Suportahan si Gwen at makisama sa panalangin ng buong bansa para sa kanyang tagumpay!
- Latest