Robin namroblema kina Anne at Angelica
Nagsalita na rin si Gob. ER Ejercito kaugnay ng pagkakapikon ni Robin Padilla sa akusasyon na inatrasan nito ang MMFF para bigyan puwang na makapasok ang kanyang entry sa nasabing taunang Pista ng Pelikulang Pilipino o Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sinabi ng gobernador na artista ang problema ng produksiyon ni Binoe. Wala itong makuhang artista. Di puwede sina Anne Curtis o maski si Angelica Panganiban. Kaya nung mag-usap sila ni Robin ay sinabi nitong magpaparaya na lamang siya para makapasok ang entry ng gobernador na matatapos na samantalang hindi pa sila nakapagsisimula.
Pero ayon naman sa taga-MMFF na nakausap ni ER, tatlo pa ang pelikula na hindi pa nakapagsisimula ng shooting. Since pang-siyam ang Asiong Salonga, isa man sa mga ito ang mag-back out ay tiyak na papasok ang pelikula niya.
Nabanggit din ng gobernador na kuwento pala ng anak niyang si Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang pelikula ni Binoe. Sayang at ‘di niya naisip na ang dalawa na lamang ang paganapin sa pelikula at nag-guest na lamang siya, baka natuloy pa ang movie niya.
Boy Abunda May Restaurant Na
Tama nga sigurong nagpahinga si Boy Abunda sa pamamahala ng kumpanya niyang Backroom at sa halip ay iniwan ang pangangalaga sa maraming artists nito sa kanyang mga staff. Bukod nga naman sa nagagawa niyang maalagaan ang kanyang ina ay hindi siya gaanong stressed sa tatlo niyang programa sa TV na dalawa ang once a week (The Buzz at The Bottomline) at may isang daily (Bandila).
Nagkaroon din siya ng panahon para makasama sa pagtatayo ng isang restaurant, ang Sir Boy’s Food Republique na ang ispesyalidad ay mga pagkaing Pilipino. Matatagpuan ito sa kanto ng Panay at Roces sa Quezon City.
Isa lang ang Sir Boy’s Food Republique sa limang restaurant ng La Carmela Group na naghahain ng Filipino food sa murang halaga lamang.
ANGEL NAPASABAK SA TAWANAN
Kaya naman pala kinailangang ibaba ang TF ni Robin Padilla sa Toda Max dahil kung hindi ay baka hindi nakuha ang serbisyo ni Vhong Navarro na personal niyang ni-request na makasama. Ewan ko lang kung sa pag-join ni Angel Locsin sa cast ay mas bababa pa ang TF ni Binoe, o baka ang TF nina Angel at Vhong ang maapektuhan.
Hindi nakapagtataka kung magkaroon ng agam-agam ang mga manonood ng TV na makakaya rin ba ni Angel na magpatawa dahil galing siya sa pelikulang madrama - In The Name of Love na tinangkilik ng mga manonood.
- Latest