^

PSN Showbiz

Annabelle pinagtutulungan ng mga nanay ng alaga

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : May malalagas na namang protégé at mentor sa kakaibang reality-singing competition ng GMA 7 na Protégé mamayang gabi.

Nung nakaraang Linggo ay ang protégé ni Joey G na si Samantha Felizco ang nagpaalam at mabuti na lang dahil mukhang hindi na rin kakayanin ni Joey dahil sunud-sunod ang mga shows ng Side A sa ibang bansa.

Pero nag-e-enjoy naman daw siya at malaki ang pasasalamat dahil naging bahagi siya sa pagtuklas ng mga bagong talents.

Pero habang tumatagal ay tumitindi na ang labanan. So far, malakas pa rin ang protégé ni Rachel Ann Go na sampung taong gulang na batang si Nomer Limatog ng Cebu.

Pero mukhang ayaw patalo ni Claire de la Fuente dahil sobrang kinakarir nito ang pagiging mentor sa protégé niyang si Jensen Tenoso ng Batangas.                     

PAK : Sa susunod na linggo ay isusumite ni Annabelle Rama ang sagot sa affidavit ni Nadia Montenegro kaugnay sa kasong Oral Defamation na isinampa laban sa kanya.

Ang susunod naman ay ang Libel at Unjust Vexation na kasong isinampa uli ni Nadia laban sa kanya.

Naniniwala si Bisaya na tinutulungan ito ng isa pang nanay ng alaga niyang galit din daw sa kanya.

Sabi naman ni Tita Annabelle, haharapin niyang lahat ang mga kasong ito.

Pero itong mga nanay daw ng mga alaga niyang kumakalaban sa kanya, alam daw niyang gusto na nilang umalis sa kanyang kuwadra, pero hindi raw niya ito hahayaan.

“Hindi ko bibitawan ang mga anak nila. Tapusin nila ang kontrata pero hindi ko iri-release ang kontrata nila.

“Nanahimik ako, pinagpilitan nila ang mga anak nilang papirmahin sa akin, pagkatapos kong mabigyan ng trabaho, aalisin na nila? Hindi ko sila papayagang gawin sa akin iyun. Tapusin na lang nila ang kontrata nila sa akin,” deretsong pahayag ni Tita Annabelle.

BOOM: Ito palang si Ma. Ramona Bautista ay may asawa na nasa Turkey.

Napag-alamang nung namatay ang kapatid na si Ramgen ay gusto na raw nitong umalis pa-Turkey pero pinigilan lang ito dahil pinapahintay malibing ang kapatid.

Pero umalis na nga ito pa-Hong Kong kamakalawa ng gabi na ikinadismaya nang husto ni Sen. Bong Revilla.

Sobrang pagod na pagod na si Sen. Bong sa nangyari at hindi na raw niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi naman daw niya hawak ang takbo ng isip nitong mga kapatid niya sa ama.

Dasal ni Bong na mabigyan lang ng tamang hustisya ang pagkamatay ni Ramgen.

ANNABELLE RAMA

BONG REVILLA

EACUTE

HONG KONG

JENSEN TENOSO

PERO

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with