^

PSN Showbiz

Sarah Lahbati pinu-push maging next Marian Rivera

- Veronica R. Samio -

Marami ang nag-react nang sabihin sa presscon ng bagong fantaserye ng GMA 7 na si Sarah Lahbati ang next most important star ng network, next to Marian Rivera. Siyempre nga naman, paano na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Lovi Poe, Glaiza de Castro, at iba pa? Mas mauunahan pa ba ni Sarah ang mga ito na nagbida na rin at sinu­portahan ng mga tao ang mga proyekto?

Pero walang agam-agam ang direktor ng serye at magaling ding actor na si Ricky Davao sa pagsasabing sa umpisa pa lamang ng kanilang pagta­trabaho sa Kokak ay kinakitaan na niya ng lalim ng pag-arte ang kanyang magandang bida.

Matatandaang unang gumanap na Kokak ang seksing si Rachel Lobangco. Magiging kasing-sexy ba si Sarah ni Rachel?

“Definitely, may skin exposure ako rito,” panimula ng pinakahuling StarStruck winner. “Very sensitive ako about this kaya hindi ko pa alam kung handa na ba ako kung mas sexy pa rito ang gagawin ko. Pero makikita ako sa maraming scenes na naka-kamison lang at naka-high boots. Kung may iba pang ire-require sa akin ay hindi ko pa alam. Concentrated ako sa saya na nadarama ko.Dumating din ang matagal na pinakahihintay ko.”

Mapapanood ito simula Nov. 14, pagkatapos ng Eat Bulaga

TJ mainstream movie  naman ang target i-produce

Bukod sa kanyang pag-aartista, nagpoprodyus din ng pelikula si TJ Trinidad. Meron na siyang nagawang isang indie film na pinamagatang Mga Kahihinat­nan ng Aking Kabalbalan na bagama’t inaamin niya na nahirapan siyang ibenta ay hindi siya nasiraan ng loob para gumawa pa ng iba. But next time, gusto niya ay isang mainstream movie naman at wish niya na magustuhan ng GMA Films ang istorya niya para sila na ang mag-prodyus nito. Ginawa niya ang kuwento with Richard Gutierrez in mind.

Sa Kokak ay siya ang unang lalaking nasilayan at inibig ni Kara (Sarah Labahti). Isang challenge sa kanya ang makapareha si Sarah at wish niya na sana ay may chemistry sila para magustuhan ng manonood. Isang weakling ang character niya at si Kara lamang ang makapagbibigay sa kanya ng confidence.

Devoted sa kanyang craft si TJ, lahat ng proyekto na ibigay sa kanya ay itinutu­ring niyang parang pinakauna niya.

Ervic ayaw magpatalo  sa mga Brazilian actor

Never papatulan ni Ervic Vijandre ang pang-iintriga ng marami na nauunahan na siya ng mga ka­sabayan niya. Nagbibida na sila samantalang pang-suporta lamang ang mga ginagampanan niya.

“Bago pa naman ako sa showbiz, wala pang isang taon. I have all the time, handa akong maghintay. Naniniwala ako na kanya-kanyang panahon lang ’yan,” katuwiran niya.

Nang hingan ng reaksiyon kung bakit hindi lamang si Mikael Daez ang parang mas mabilis kesa sa kanya ang pag-usad ng career kundi maging ang tinatawag na Brazilian Boys, cool pa rin ang naging sagot ng ex ni Marian Rivera.

“Hindi naman siguro. Mas magaling akong mag-Tagalog kesa sa kanila. Bukod sa Kokak na magan­da naman ang role ko bilang Borge, best friend ni Carl (TJ), may ginagawa akong dalawang movies sa Regal, dun sa isa ay kasama ko sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion. Masaya ako, kuntento, dahil busy ako,” sabi niya.

Gary tinanggihan si Asiong

Ang layu-layo na ni Gary Estrada sa kaba­taang una kong nakita na pasilip-silip lamang sa That’s En­tertainment. Guwapo pa rin siya kahit malaki ang idinagdag ng timbang. Bakas sa kanyang pana­na­lita ang malaking responsibilidad na iniatang niya sa kanya bilang board member ng la­lawigan ng Quezon.

“Para sa isang board member na kapos sa pondo ang lalawigan, gusto kong ipagmalaki na marami na rin akong nagagawa. May mga kalsada na akong naipagawa, naipaayos,” imporma ng aktor-pulitiko.

Kahit marami ring projects bilang artista, sinabi ni Gary na kahit kailan ay hindi siya nag-absent sa kanyang trabaho.

“Proper scheduling lang ’yan. Pero may mga hindi rin ako natatanggap dahil sa pagiging board member ko. Like dun sa project ng kapatid kong gobernador ng Laguna na si ER Ejercito. Much as I wanted to accept a role in Asiong Salonga, kinailangan kong tumanggi dahil sa rami ng gawain ko. Pero sa Emilio Aguinaldo ay kasali ako, hindi pa nga lang ako nakakapag-shooting,” kuwento ni Gary.

Vina na-excite kay Robin

Sabado night ni Robin Padilla ngayong gabi. Unang pagtatanghal ng sitcom nila ni Vhong Navarro na Toda Max. Ito ang magsisilbing pre-programming ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Hindi ko alam kung sinadya o nagkataon lamang pero si Robin din ang bida sa episode ng MMK ngayong gabi at mapapanood ang pagbabalikan ng tambalan nila ni Vina Morales.

Si Vina ay matagal nang inamin na excited siya na makatambal muli ang action superstar. Ang episode nila ay bahagi rin ng anniversary celebration ng MMK.

AKING KABALBALAN

AKO

ASIONG SALONGA

KOKAK

MARIAN RIVERA

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with