^

PSN Showbiz

Tatlong bagong show ng TV5 hahabol sa Walang Tulugan!

-

MANILA, Philippines - Tatlong programa ng TV5 ang magsisimula bukas, Sabado. Mapapanood na ang The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto na susundan naman ng Regal Shocker at Real Confessions.

Handog ng The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto ang walang humpay na katatawanan sa isang naiibang reality-comedy format na tipong show within a show.

Tampok dito si Bossing Vic Sotto bilang isang director na pipiliting gumawa ng isang programang pagsasamahan ng dalawang frenemies na komed­yante (Jose Manalo at Wally Bayola) na hindi titigil sa pagpapatalbugan para patunayan kung sino talaga ang mas magaling sa kanila. Tampok sa pilot episode si Pinoy Explorer Aga Muhlach bilang special guest.

Matapos ang humahagalpak na katatawanang nakakikilabot ng katatakutan naman ang tampok sa pagbabalik-telebisyon ng Regal Shocker. Para sa unang handog nito ngayong Sabado, matutunghayan sina Gabby Concepcion at Niña Jose sa isang makapanindig-balahibong episode na pinamagatang Elevator.

Ang dating Star Confessions naman ng TV5 ay magiging Real Confessions na magbabahagi ng mga inspiring na kuwento ng buhay ng mga tao.

Sa una nitong pagtatanghal, tampok ang istorya ng pag-iibigang abot hanggang langit. Gaganap na mag-asawang tunay na nag-iibigan sina Gelli de Belen at Wendell Ramos.

Ang tanong lang ng marami, baka abutin sila ng madaling araw sa panonood sa TV5.

Anong oras nga naman daw natatapos ang Wil Time Bigtime.

Kaya nga raw ang parating sagot ni Vic kapag may nagtatanong kung anong oras ang umpisa ng programa nila ang consistent nitong sagot “ bahala na si Willie (Revillame).”

So talagang nakasalalay sa TV host ang kapalaran ng tatlong bagong prog­rama ng TV5.

Or baka naman pantapat na lang sa programa ni Kuya Germs na Walang Tulugan ang ibang prog­rama sa gabi ng TV5.

Hahaha.

vuukle comment

BOSSING VIC SOTTO

GABBY CONCEPCION

JOSE AND WALLY SHOW STARRING VIC SOTTO

JOSE MANALO

KUYA GERMS

PINOY EXPLORER AGA MUHLACH

REAL CONFESSIONS

REGAL SHOCKER

SABADO

STAR CONFESSIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with