^

PSN Showbiz

Controversial actress natakot sa kaaway, biglang binura ang mga banat sa famous showbiz personality

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Muli naming binisita ang Twitter account ni Cha­rice, pero deleted na ang tweets niya patungkol sa siblings nang namayapa niyang ama. Wala na ang mahahaba at emotional tweets niya at ang naiwan na lang ay ang tweet niyang nagparamdam sa kanya ang ama noong nasa Indonesia siya.

Sabagay, tama lang na burahin na ni Charice ang emotional tweets niya ngayong naayos na ang conflict nila ng kanyang ina sa mga kapatid ng ama. Sama-sama na sina Charice at relatives ng ama na nagluluksa sa pagpanaw ni Ricky Pempengco.

Samantala, dinelete na rin ng isang controversial actress ang message sa FB account niya tungkol sa kaaway na famous showbiz personality. Obvious na hindi nakarating sa FSP ang sinabi ng controversial actress laban sa kanya dahil wala pa itong reaction, ka-react-react pa naman ang sinulat nito.

SWEDISH COMPOSER AT MUSICAL SCORER NAKUHA NI DIREK YAM PARA SA KANYANG PELIKULA

Ipinapanood ni Direk Yam Laranas sa kanyang iPad ang motion poster ng The Road at natakot pa rin kaming makita ang sunog na mukha ni Rhian Ramos na gumagalaw. Ang motion poster na ang uso ngayon at dahil nagustuhan nang mga nakapanood sa Internet, sabi ni Direk Yam, gagawa siya ng ibang motion poster ng movie na showing sa Nov­. 30.

Ang Swedish composer at musical scorer na si Johan Soderqvist ng original version ng horror at vampire movie na Let the Right One In ang musical scorer ng The Road. 

Sabi ni Direk Yam: “I’m a fan of Johan Soderqvist, I love Let The Right One In at gusto ko minimalist ang music ng The Road. Hinanap ko siya, I found his website na may general e-mail at in-email ko siya. After a week, sumagot siya, he saw The Echo and he likes the movie. Nag-Skype rin kami, I sent him the script of the movie at nagustuhan niya. Sabi niya, we should not put so much music sa movie, puwede raw humming lang at pumayag siyang i-score ang whole movie.”

 Kuwento pa ni Direk Yam, first time nilang nag-Skype ni Mr. Soderqvist, inabot sila ng four hours at natuwa siya sa sinabi nitong bahala na ang GMA Films sa payment niya at ‘wag munang pag-usapan ang payment. Thru the net naipadala ang score ng movie, komplikado ang proseso, pero ang importante nagawa.

Nangako ang composer na lalagyan ng strings ang musical score ng The Road  at ipapadala before Nov. 7.

Cherie nire-request sa PROTéGé

 Pakinggan at ibigay kaya ng GMA 7  ang request at pini-petition ng viewers ng Protégé  na gawing resident judge si Cherie Gil at isama kina Joey de Leon, Louie Ocampo at director Bert de Leon na judges ng singing talent search?   

 Nagustuhan ng viewers ang comments ni Cherie sa performance ng protégés nang mag-pinchhit kay Joey last Sunday episode at mas maganda raw kung may point of view ng babae ang mga comment para balanse.

La Diva gagawa na rin ng album sa Indonesia

Masayang ibinalita ng La Diva na gagawa sila ng international album produced ng Skylar Productions ng Indonesia. Sabi ng tatlo, napanood sila ng mga producer nang mag-guest sa ilang TV shows sa Indonesia at nakita kung paano sila nagustuhan.

 Hindi lang nabanggit nina Jonalyn Viray Maricris Garcia, at Aicelle Santos kung kailan sila magsisimulang mag-recording. Matagal nang gusto ng La Diva na makilala sa ibang Asian countries at mukhang dumating na ang chance na ‘yun. Sabi nga ni Jonalyn “iga-grab namin ang chance habang mainit pa.”

 Nauna nang sumikat sa Indonesia si Christian Bautista at nag-release na rin ng album doon sina Aiza Seguerra, Jay-R, at Kyla.  

AICELLE SANTOS

AIZA SEGUERRA

ANG SWEDISH

CHARICE

CHERIE GIL

DIREK YAM

JOHAN SODERQVIST

LA DIVA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with