^

PSN Showbiz

Pnoy, sasagutin na ang mga isyu sa Youtube Worldview Interview

-

MANILA, Philippines - Magaganap na ang makasaysayang pagsagot ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga katanungang galing pa sa iba’t ibang panig ng mundo ngayong Biyernes (Nov. 4), 1:00 p.m., sa YouTube Worldview series na mapapanood live online mula sa Malacañang via abs-cbnNEWS.com.

Para mas maraming Pinoy ang makalahok sa panayam, maaring mag-react ang publiko habang nagaganap ang interview via live chat sa abs-cbnnews.com/askpnoy.

Si PNoy ang kauna-unahang lider mula Asya na lalahok sa YouTube World View series pagkatapos nina US President Barack Obama, UK Prime Minister David Cameron, at Spain Prime Minister Jose Luis Zapatero.

Ang World View series ng YouTube at Google ay nagbibigay-pagkakataon sa mga tao na tanu­ngin nang diretsahan ang mga pinuno ng mundo tungkol sa edukasyon, enerhiya, o pandaigdigang kalusugan. Agad itong gumawa ng ingay nang magsimula nitong Enero at inilunsad online.

Huwag palalampasin ang YouTube World View ngayong Biyernes, 1:00 p.m., live via online streaming sa abs-cbnnews.com/askpnoy at sa official website ng YouTube World View sa http://www.youtube.com/worldview.

Panoorin ang replay ng buong interview sa ANC sa Lunes (Nov. 7), 7:00 p.m.

vuukle comment

ANG WORLD VIEW

ASYA

BARACK OBAMA

BENIGNO AQUINO

BIYERNES

DAVID CAMERON

JOSE LUIS ZAPATERO

PRIME MINISTER

SPAIN PRIME MINISTER

WORLD VIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with