^

PSN Showbiz

Direk Boots Plata, namatay na!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Puro bad news ang pinag-uusapan ngayon.

Nailibing na kahapon si Ram Revilla at sinabi ng Parañaque Police na closed case na ito. Pinanindigan ng Parañaque Police ang nauna nilang sinabi na ang mga kapatid ng napatay na sina Ramon Joseph kasabwat pa raw ang kapatid nitong si Mara ang suspek kasama ang mga namaril at nanaksak.

So imagine na lang ang nararamdaman ng kanilang pamilya.

Pero sa interview ng nanay ng mga bata na si Genelyn Magsaysay, may insinuation na nagkakaroon ng problema sa ‘kabilang’ pamilya nila na ibig sabihin ay sa pamilya ni Sen. Bong Revilla.

Pero ayaw pa nitong idetalye. Basta imbes na makatulong daw ang mga taong ‘tumutulong’ sa kanila, hindi naman.

Ang bumaril naman sa tatay ni Charice hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Hinahanap pa rin.

Kahapon naman, nagluksa ang buong showbiz nang sumakabilang buhay si Direk Boots Plata.

Ibinilin ni Direk Boots sa naiwan niyang pamilya – Tita Dolor Guevarra, Joana Paula, and Venessa, na ayaw niyang pag­lamayan. Kaya after niyang i-declare na namatay kahapon sa St. Luke’s Hospital, agad siyang icrinemate at isasaboy ang kanyang ashes sa Pasig River. Pero nagkaroon muna ng misa bago ginanap ang cremation.

Sa Pasig River ang request ni Direk Boots dahil ‘yun daw ang ginawa nito sa kanyang mga magulang noon, isinaboy sa Pasig River ang kanilang mga abo.

Maraming mga nagawang pelikula si Direk Boots noon. At siya ang director ng kauna-unahang movie nina Judy Ann Santos and Wowie de Guzman with Gladys Reyes, Sana Naman sa Regal Films, na umpisa ng pagsikat ni Juday.

Sixty eight years old si Direk Butse.

Goodbye Direk Butse.

Marie Digby consistent ang denial kay James Yap

Consistent ang denial ni Marie Digby sa sinasabing relasyon nila ng ex husband ni Kris Aquino na si James Yap. “We’ve been friends for six, seven months,” sagot niya sa launching ng kanyang bagong album, Your Love under Star Records and MCA Music.

May ilang naniniwala sa denial ni Marie, pero meron din namang hindi.

Anyway, kasalukuyan pa ring nasa bansa ang YouTube phenomenon na umabot pala sa halos 20 million ang nag-view ng kanyang homemade video of her acoustic cover ng kanta ni Rihanna na Umbrella noong 2007.

In 2009 she released her debut album Unfold na nakapasok sa Billboard charts - #29 sa first week at naging malaking hit talaga ang, Say it Again.

At ginamit din sa mga top US shows ang mga kanta sa album niya like ER, The Hills, Greek, Smallville and One Tree Hill. Sinundan ‘yun ng album na Breathing Under Water.

At kahit nagpi-perform siya sa US, Europe at Asia, alam ni Marie na Filipino ang karamihan sa fans niya. FYI : walang Filipino blood si Marie as in, kahit konti, (she is half Irish and half Japanese) pero love siya ng mga Pinoy eh.

Pero kahit ‘di siya Pinoy, ang dalas niya sa ‘Pinas. Nang magka-tsunami nga sa Japan kung saan andun siya, dito agad siya tumakbo.

At dahil may bagong album si Marie, darayo siya sa ilang malls para i-promote    ang Your Love.

Mapapanood siya nang malapitan : Robinson’s Lipa (November 4), Ro­binson’s Metro East (November 5), Robinson’s Sta. Rosa (November 12), Robinson’s Galleria (November 13), Robinson’s Starmall Pampanga (November 19) and Robinson’s Place Imus (November 20).

Kasama sa Your Love album ang duet nila ni Sam Milby para sa Your Love at Jericho Rosales sa I Do. Kasama rin ang original tracks na Swoon at  Loving You Is Easy; version ng I Think I’m In Love  at ang hit covers na Say It Again at Umbrella.

Maaari ring maki-sing along ang fans ni Marié dahil may minus one versions din ng mga kanta sa album.

Mabibili na ngayon sa mga record bars sa buong bansa ang album at puwede ring mag-down­load sa www.starrecords.ph.

ALBUM

DIREK BOOTS

JAMES YAP

MARIE DIGBY

PASIG RIVER

PERO

YOUR LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with