Hinihintay magsalita, Star Circle Quest girl malaki ang maitutulong sa imbestigasyon kay Ram Revilla
Ngayong hapon ako pupunta sa burol ni Ram Revilla sa Angelus Eternal Garden sa Imus, Cavite.
Ang Angelus Eternal Garden ang choice na pagburulan sa mga labi ni Ram dahil pag-aari iyon ng kanyang tatay, si Sen. Ramon Revilla, Sr. at doon na rin siya ililibing.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso ng pagpaslang sa nakababatang kapatid ni Sen. Bong Revilla, Jr.
Pinag-aaralan ng mga pulis ang lahat ng mga anggulo at kinakausap ang mga witnesses. Hindi ako sure kung nakausap na ng mga pulis si Janelle Manahan, ang babae na sinaksak din sa bahay nina Ram sa Parañaque City.
Nag-aartista si Janelle sa ABS-CBN kaya kilalang-kilala siya ng mga artista ng Channel 2. Nakapasok si Janelle sa showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest.
May nagkuwento sa akin na naka-empake na ang gamit ng sinasabing ex-girlfriend na si Janelle noong Biyernes dahil pupunta siya sa La Union para sa long weekend. Hindi pa malinaw kung paano siya napapunta sa Parañaque City na pinangyarihan ng malagim na insidente.
Baka malaki ang maitulong ni Janelle sa imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa pagpatay kay Ram.
Pagwawala ni claudine sa bangko ’di na ulit naipakita
Pauwi na ako nag bahay noong Sabado nang ma-realize ko na parang hindi naipalabas sa Startalk ang mga eksena ng pagwawala ni Claudine Barretto sa isang bangko noong Martes.
Ang “joint statement” lamang nila ni Raymart Santiago ang inilabas ng Startalk. Marami pa naman ang naghihintay na muling mapanood sa TV ang makasaysayan na eksena ni Claudine na naging dahilan para magmalisya ang mga tao na may problema sa relasyon nila ni Raymart.
May mga nangungumusta rin kay Raymart sa mga kapatid nito pero tikom ang kanilang bibig kaya lalong tumindi ang hinala na may major problem na pinagdaraanan ang controversial couple.
- Latest