^

PSN Showbiz

Umiiyak kasi Nora nagkamali ng pirma sa kontrata ng TV5

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagkamali nang pagpirma ng pangalan niya sa kontrata sa TV5 si Nora Aunor dahil umiiyak habang pumipirma. Sobra kasi itong natuwa sa importan­siyang ibinibigay sa kanya ng istasyon na after Sa Ngalan ng Ina ay muli siyang pinapirma ng three-year exclusive contract, kaya umiyak ang Superstar.

Ang sabi, bago gawin ni Guy ang drama antho­logy sa TV5, uupo muna siyang judge sa isang talent search ng network at dahil singer siya, baka singing search ito. Hindi pa nabanggit kung ano ang show at kung sino ang host ng talent search.

Balita ring dito magpa-Pasko si Nora at sa January 2012 na ito babalik ng Amerika. In fact, na-announce ni German Moreno sa Walang Tulugan with Master Showman na si Guy ang special guest sa Christmas tree lighting sa Greenhills sa Dec. 8.

Naging ok sa taping

Last two weeks na ng Iglot simula bukas at noong Friday ang last taping day ni Claudine Barretto. Kinunan na ni Direk Gil Tejada ang lahat ng mga eksena ng aktres at balita namin, okay si Claudine sa taping niya.

From 13 weeks, 11 weeks lang ang itinakbo ng Iglot at ang time slot na iiwan nito ang papalitan ng Season 4 ng Survivor Philippines: Double Celebrity Edition.

Michelle gustong magka-cooking show

Ang saya-saya ng mundo ni Michelle Madrigal ngayon dahil puro positive ang nangyayari sa buhay niya. Mataas ang ratings ng Kung Aagawin Mo ang Langit nila nina Mike Tan at Carla Abellana at maganda rin ang feedback sa story nito.

Kahit medyo kontrabida ang role ni Michelle, love pa rin siya ng mga viewers at may mga kumakampi sa kanya at sa ipinaglalaban niya. Wala rin siyang reklamo sa napapadalas na kissing scene at love scene nila ni Mike dahil kailangan sa story. Wala dapat ipagselos ang GF ng aktor at wala ring magseselos sa parte niya kahit nali-link siya kay Sef Cadayona.

Ang tindi ng crush kay Michelle ni Sef pero friend pa lang ang turing sa kanya ng aktres kahit dinadalhan naman niya ng pagkain ang aktor. Sobra lang sa niluluto niya sa culinary school ang dinadala niyang food dito, say ni Michelle. Ouch!

Hindi rin totoo na nagselos siya kay Sam Pinto dahil ito na ang nali-link at tini-text ni Neil Etheridge ng Philippine Azkals at hindi na siya. Friend lang niya si Neil at alam niyang crush nito si Sam. 

Dagdag na ikinatuwa pa ni Michelle ang pagga-graduate niya kahapon ng certificate course ng basic culinary sa Academy for International Culinary Arts. Four months siyang nag-aral at ipinagmalaking marunong na siyang magluto ng paella.

Given the chance, gusto niyang kumuha ng diploma course for nine months at ’pag kaya na niya, gusto niyang mag-host ng cooking show.

CARLA ABELLANA

CLAUDINE BARRETTO

DIREK GIL TEJADA

DOUBLE CELEBRITY EDITION

GERMAN MORENO

IGLOT

INTERNATIONAL CULINARY ARTS

KUNG AAGAWIN MO

MICHELLE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with