^

PSN Showbiz

Mag-asawang Claudine at Raymart, hiwalay na nga?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Ang manager ni Claudine Barretto na si Shirley Kuan ang nagpapadala ng statement na hindi totoong hiwalay na ang aktres kay Raymart Santiago.

Pero patuloy pa ring pinag-uusapang two months na raw silang hiwalay at mga kasambahay daw nila ang nagpapatunay na hindi na nagsasama ang mag-asawa.

Hindi kaya may kinalaman ito sa kanilang endorsement kaya itinatanggi pa ng kanilang kampo ang naturang balita?

PAK: May bagong kaso na namang isinampa si Nadia Montenegro na isinampa laban kay Annabelle Rama.

Kasong Libel at Unjust Vexation ang isinampa nito sa Quezon City Prosecutor’s Office nung nakaraang Biyernes dahil sa mga libelous na mga ipinu-post ni Tita An­nabelle sa kanyang Twitter account.

Hindi muna nagkomento si Tita Annabelle tungkol sa bagong kasong isinampa ni Nadia laban sa kanya.

Hindi pa raw niya nababasa ang affidavit kaya wala muna siyang masasabi sa ngayon.

Hindi naman daw niya ito uurungan pero ma­bu­ting mabasa daw muna nito itong panibagong reklamo ni Nadia.

BOOM: Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang pamilya Revilla sa nangyaring pagpaslang kay Ram Revilla na anak ng dating Sen. Ramon Revilla Sr. kay Genelyn Magsaysay.

Nahirapan sina Sen. Bong Revilla Jr. at mga kapatid nito kung paano nila ito ibalita sa kanilang ama dahil isa si Ram sa pinakapaborito niyang anak.

Marami pa raw ambisyon si Ram sa kanyang career dahil ngayon pa lang ay pinaghahandaan na sana nito ang pagpasok niya sa pulitika.

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Ram sa Angelus Eternal Garden sa Imus, Cavite.

Sa Miyerkules na ito ililibing.

Ang tanging hangad lang ng buong pamilya ay mabigyan ng hustisya ang pagpaslang kay Ramgen Revilla.

ANGELUS ETERNAL GARDEN

ANNABELLE RAMA

BONG REVILLA JR.

CLAUDINE BARRETTO

GENELYN MAGSAYSAY

KASONG LIBEL

NADIA

NADIA MONTENEGRO

QUEZON CITY PROSECUTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with