^

PSN Showbiz

Rhian walang imik kahit api-apihin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Si Jade Castro pala, direktor ng Zombadings: Patayin sa Syokot si Remington, ang magdidirek ng Kontrabida Girl na pagbibidahan ni Rhian Ramos kapareha si Aljur Abrenica. Si Jade rin ang scriptwriter ng project katulong si Aloy Adlawan.

Ang Kontrabida Girl ang next movie ni Rhian after The Road at kung aapihin at sinasaktan ang aktres sa The Road, sa Kontrabida Girl isa siyang ma­galing na kontrabida sa isang network at dahil sa kanya ay sumisikat ang mga bida.

Sa November na sisimulan ang shooting ng new movie ni Rhian, sabay ng promo niya ng The Road, pero tiyak na hindi mariringgan ng reklamo ang dalaga. Nagwu-workshop na si Aljur at kinakausap na rin ang ibang cast ng movie.

Jaclyn hindi kumain at nakipagtsikahan para makapag-internalize ng role

Nakakatakot ang The Road at hindi kailangan ang multo o tiyanak para matakot dahil istorya pa lang, matatakot ka na at idagdag pa ang location, mood, music, at photography ng movie. Dahil Dolby 5.1 ang gamit, konting kaluskos, lagaslas, at pati lipad ng mga paru-paro ay maririnig at mararamdaman. Ang Swedish composer na si Johan Soderqvist ng vampire movie na Let the Right One In ang musical director ng bagong pelikula ni Direk Yam Laranas.

Magagaling ang mga artista mula sa mga tweens na sina Barbie Forteza, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, Renz Valerio, Ynna Asistio, Louise delos Reyes, at Alden Richards, hanggang kina Rhian Ramos, Marvin Agustin, TJ Trinidad, at Carmina Villarroel na ibang-iba ang role.

Kahit si Jaclyn Jose na may special participation, tatatak ang karakter. Grabe ang pag-i-internalize nito sa kanyang role — isang ina na naghahanap sa dalawang anak — hindi kumain at hindi nakipagtsikahan sa shooting.

Sa Nov. 30 ang showing ng movie at Nov. 25, ang premiere sa Cinema 3 ng SM Megamall. Humanda nang matakot!

Amalia kinukuha ng Singko, hinihintay ang pagbabalik

Tama ba ang balita naming kinukuha ng Archangel Media at TV5 si Amalia Fuentes para sa remake ng Valiente?  Matagal nang nababalitang kinukuha ng TV5 ang aktres at ngayon ay muling umingay at may project pang nabanggit.

Maganda sana kung matutuloy ang pagbabalik-showbiz ni Ms. Amalia dahil aminin natin, marami ang gustong muli siyang mapanood. Saka, after Ms. Susan Roces na active pa rin ngayon sa pag-arte, ang pagbabalik ni Ms. Amalia ang hinihintay.

Si Joel Lamangan ang magdidirek ng Valiente at tiyak na matutuwa ito ’pag natuloy nga si Ms. Amalia. Sa November na yata ang taping nito.

Dennis at Bianca mag-partner uli

Sa mga nakaka-miss ng tambalan nina Dennis Trillo at Bianca King sa Sinner or Saint, muli silang mapapanood sa Spooky Nights Presents Siyam, mapapanood sa Sabado after Manny Many Prizes, sa direksiyon ni Uro dela Cruz.

Ang istorya ng Siyam ay tungkol sa mga consequences nang paggamit sa mga patay para sa saklaan at ibang paraan nang pagkakakitaan. Isa na naman itong hardcore horror episode, kaya panoorin at matakot!

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ALOY ADLAWAN

AMALIA FUENTES

ANG KONTRABIDA GIRL

ANG SWEDISH

KONTRABIDA GIRL

MS. AMALIA

RHIAN RAMOS

SA NOVEMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with