^

PSN Showbiz

Mga bata ng Datalnay, Sarangani kakaiba ang pisngi

-

MANILA, Philippines - Madalas sa sobrang katuwaan, napapakurot tayo sa mga cute, at  “healthy” kids dahil sa kanilang chubby cheeks. Pero sa Sitio Datalnay sa probinsiya ng Sa­rangani, hindi ikinatutuwa ang mga matatabang pisngi ng mga bata.

Ang bata sa Sitio Datalnay ay may mala-repol­yong pisngi. Kahit muk­hang mataba ang mukha ng mga batang ito, payat at mahina ang kanilang mga braso. May ibang bata naman na hirap naman sa ka­nilang paglakad dahil sa kanilang paa. Mas maliit sa dapat nilang edad at halos magkakamukha ang mga bata sa Sitio Datalnay.

Sa loob ng 11 hours, kabilang ang pitong oras na trekking, lalakbayin ni Kara David ang bundok sa Sarangani upang hanapin ang mga batang namamaga ang mukha.

Ano nga bang misteryo ang bumabalot sa kon­dis­yon ng mga bata sa Datalnay? Tunghayan nga­yong Lunes sa dokumentaryo na Ang mga Bata ng Datalnay sa  award-winning program na I-Witness pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

ANO

BATA

DATALNAY

I-WITNESS

KAHIT

KARA DAVID

MADALAS

SHY

SITIO DATALNAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with