Annabelle at Nadia nagpe-personalan na!
Masyado nang nagiging personal ang away nina Mama Annabelle Rama at Nadia Montenegro. Sana matigil na ito para naman hindi sila parehong nalalagay sa kahihiyan. After all, kung hindi man sila ang mismong magdala ng mga pinagsasasabi nila, ang mga anak naman nila.
Sana kung kailangang magparaos sila ng init ng ulo at maging ng damdamin, ma-realize nila na sila ang may dulot nun sa mga sarili, wala ng iba. Pareho kasi silang ayaw magpatalo, gusto na parehong bida. Hay naku, kayong mga babae oo, kapag friends, best of friends pero kapag nagkagalit, worst enemies!
Lovi iniingatan ang pangalan
Ako rin naman naniniwala na hindi gagawa ng anupaman si Lovi Poe na ikakasira ng pangalan ni Fernando Poe, Jr. Katunayan, ’yung mga roles na ginagampanan niya ngayon would have made her late father proud gaano man ka-sexy ang kanyang mga roles. At sa kabila ng pagiging konserbatibo ni FPJ, he would have understood why his daughter would have consented to play such roles. Pareho naman silang consummate artist.
Ako umaasam na sana magkaroon sila ng project ni Mareng Susan Roces na magkasama. Aba, magiging kaabang-abang na project ’yun. Bagama’t isa nang mahusay na aktres, Lovi would learn a lot from Susan at si Lovi ang tipo na hindi mahihiyang humingi ng tips sa pag-arte sa isang tinitingalang icon.
Shaina nahihiya kay Ruffa
Hiindi naman siguro insecure si Shaina Magdayao kay Ruffa Gutierrez, baka shy lang. Hindi mo naman maalis na mahiya siya dahil mas senior ang ex ng boyfriend niya kesa sa kanya. Saan ba siya mai-insecure eh kahit Miss World Princess, eh prinsesa rin naman siya, isa sa mga prinsesa ng Kapamilya Network, at maganda rin naman at magaling na artista.
I’ve always known her to be a really shy girl pero hindi niya ito dapat ikahiya. Ganito lang talaga ang personalidad niya. Hindi lang talaga siya masalita but once you get to know her, she’s such a darling.
- Latest