^

PSN Showbiz

Mother Lily makikitakbo para sa Red Cross

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Isang malaking karangalan para kay Mother Lily Monteverde na maging bahagi ng Red Cross team gayundin ang anak na si Roselle Teo dahil miyembro sila ng board of directors ng Red Cross-Quezon City Chapter.

Sasali si Mother Lily sa Million Volunteer Run sa Dec. 4.

Ano ang nagbunsod sa kanya para sumali sa Red Cross gayung isa na itong matagumpay na producer?

‘‘Gusto ko namang ibalik sa mga tao ang mga blessing na natanggap ko kaya habang ako ay nabubuhay ay patuloy akong maglilingkod sa Red Cross,’’ sabi ng matriarka.

Kaya nga sasama rin siya sa gaganaping fun run.

Halos lahat ng Regal Babies ay sasali sa fun run. Siyempre kasali si Marian Rivera bilang celebrity endorser ng organisasyon. Ayon sa aktres, tutulong siya sa registration para sumali rin ang cast ng Amaya gayundin ang kanyang mga tagahanga na mula sa iba’t ibang fans club.

Glaiza dedma lang kay Sid

Magkasama sina Glaiza de Castro at Sid Lucero sa Amaya at pilit silang inili-link sa isa’t isa. Pero malabo itong mangyari dahil may dyowa na ang aktor — isang drummer ng bandang General Luna.

Dedma lang si Glaiza kapag inili-link siya sa magaling na aktor dahil taken na ito. Gusto niya ang ugali ni Sid na friendly at makuwento kaya naging magkaibigan ang dalawa.

Happy ang dalawa dahil extended ang Amaya hanggang January.

Loveless pa rin hanggang ngayon si Glaiza at gusto munang mag-concentrate sa kanyang career. 

vuukle comment

AMAYA

GENERAL LUNA

GLAIZA

MARIAN RIVERA

MILLION VOLUNTEER RUN

MOTHER LILY

QUEZON CITY CHAPTER

RED CROSS

REGAL BABIES

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with