Carmen Soo ayaw ipag-ingay ang relasyon kay Direk Lino Cayetano
Mukhang tahimik ngayon ang love life ni Direk Lino Cayetano, ang nakababatang kapatid nina Sen. Pia at Sen. Allan Cayetano matapos itong ma-link noon kina KC Concepcion at Bianca Gonzales. Although, sinasabing ang Malaysian actress-model na si Carmen Soo ang girlfriend niya ngayon.
Kung si KC ay may Piolo Pascual na (although wala na ang dalawa), si Bianca naman ay muling nakahanap ng bagong boyfriend sa katauhan ng basketbolistang si JC Intal, ang ex-boyfriend ni Carla Abellana na girlfriend naman ngayon ni Geoff Eigenmann.
Si JC ay naglalaro sa team ng Barangay Ginebra Kings at isa ring Atenista tulad ni Bianca.
Vice hindi tinablan ng lason
Jose Marie Viceral ang tunay na pangalan ng sikat na komedyanteng si Vice Ganda. Ang Vice ay hango sa kanyang apelyidong Viceral at ang Ganda ay madalas itawag ng mga bading sa kapwa nila bakla kaya naging vice ganda.
Nakilala si Vice sa Showtime hanggang sa siya ay bigyan ng break ng Viva Films na magbida ng movie remake ng Petrang Kabayo na unang pinagbidahan ni Roderick Paulate.
Dahil sa malaking tagumpay ng kanyang launching movie na Petrang Kabayo, may follow-up movie na naman siya, ang Praybeyt Benjamin na dinirek ng box-office director na si Wenn Deramas at joint production ng Viva Films at Star Cinema.
Si Vice ay bunso sa limang magkakapatid. Dalawang babae at tatlong bakla. Twelve years old pa lamang siya nang patayin sa kanilang harapan ang kanilang ama na ka-lugar pa mismo nila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya at malaya pa ring gumagala ang salarin sa kanilang lugar. Pero sa halip na magtanim ng galit at maghiganti, pinatawad ni Vice ang pumatay sa kanyang ama.
Minsan ding naranasan ni Vice Ganda ang magpakamatay nang siya ay ma-broken hearted sa kanyang unang boyfriend when he was 16. Na-discover niyang meron itong girlfriend. Kung anu-ano ang kanyang ininom pero hindi siya namatay dahil meron pala siyang misyon sa buhay.
Paeng Nepomuceno all-out ang tulong sa MOWELFUND
Not everybody knows that the country’s pride and international bowling icon Paeng Nepomuceno is the grandson of the late Jose Nepomuceno, the Father of Filipino Filmmaking who established the first film production company in the Philippines, Nepomuceno Productions. Nagkataon lamang na napunta sa ibang industriya si Paeng pero hindi ito nangangahulugan na wala siyang puso at malasakit sa mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino na sinimulan ng kanyang lolo.
Kaya naman nang lapitan ang bowling champ ng Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND) head na si Boots Anson Roa para sa isang fund-raising event para sa kapakinabangan ng Mowelfund’s Welfare and Education Programs, hindi siya nagdalawang isip na tumulong. Kaya noong nakaraang Oct. 13, nangyari ang Paeng’s Celebrity Bowling for Mowelfund na ginanap sa Paeng’s Lanes sa Eastwood City Walk II sa Libis, Quezon City na dinaluhan din ng maraming kilalang personalidad tulad ni Sen. Tito Sotto na naging two-time world bowling champion, ang MOWELFUND founder at chairman emeritus na si dating Pangulong Joseph Estrada, other bowling champions at marami pang malalaking artista sa kasalukuyan.
Ang MOWELFUND ay binuo ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada nung 1974 at nakatulong at patuloy na nakakatulong sa halos limang libong miyembro ng organisasyon for medical and death benefits, livelihood, housing, at ibang alternative income opportunities.
- Latest