^

PSN Showbiz

Si Nora Aunor ang rason, Hototay hindi na rin kasali sa MMFF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pati pala ang Hototay na isa sa entry ng Regal Entertainment sa 2011 MMFF ay hindi na rin matutuloy. Isa sa mga rason ay ang pagka-delay ng taping ni Nora Aunor ng Sa Ngalan ng Ina sa TV5.

Pero itutuloy pa rin ni Mother Lily ang Hototay, hindi na nga lang ‘pang-MMFF, for Chinese New Year next year na lang daw ang pelikula. Hindi nito masagot kung puwedeng ipalit sa puwesto ng Hototay ang Ded Na Ded nina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez at may November 30 playdate.

Bale pito na lang ang entries sa MMFF dahil ipinalit sa Mr. Wong ni Robin Padilla ang Asiong Salonga ni Laguna Gov. ER Ejercito.

Mukha namang masaya na si Mother Lily sa Yesterday, Today, & Tomorrow at Shake, Rattle & Roll 13, nanghihinayang lang dahil maganda raw sana kung may Nora Anuor movie sa filmfest.

Marian bibisitahin ang mga kriminal sa kulungan

Hopefully, bago umalis sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa November 11, para manood sa laban ni Manny Pacquiao sa Nov. 18, nairaos na ang Marian Rivera Registration Day para sa Red Cross Million Volunteer Run ng Red Cross sa December 4, sa SM Mall of Asia.

Bibigyan ng sariling araw ang aktres para siya ang personal na mag-asikaso sa friends, at fans niya na sasali sa biggest run ng Red Cross. Just wait for further announcement kung kailan at kung saan ito gagawin dahil aayusin muna ang schedule niya.

Nangakong sasama ang mga taga-Amaya at present nga sa presscon si Mikael Daez kahit wala na siya sa epic serye. Bilang suporta pa rin sa Red Cross, pumayag na si Marian na bumisita sa Women’s correctional at ‘pag nasanay na siya, next niyang bibisitahin ang mixed jails.

Ronnie ricketts nagagamit ang OMB?

Mabuti at dumating si OMB Chairman Ronnie Ricketts sa presscon ng Red Cross Million Volunteer Run ng Philippine Red Cross bilang isa sa mga volunteers ng ahensiya dahil natanong at nasagot nito ang sunud-sunod na intrigang kanyang kinasangkutan lately.

Isa rito ang na-report na paninigarilyo ni Ronnie malapit sa isang school sa isang pakikipag-dialogue sa school officials para sa anti-piracy campaign ng Optical Media Board. Marami ang nagulat sa report na ‘yun dahil alam ng mga kaibigan ni Ronnie na hindi siya naninigarilyo at walang bisyo.

Ang isa pang nilinaw ni Ronnie ay ang lumabas na ginagamit niya ang OMB para pagkakuwartahan. Madiin niya itong itinanggi at ang alam niya, matagal ng tapos ang isyung ito, pero may sector na bumuhay at naniniwala si Ronnie na after his position ang mga taong nasa likod ng demolition job.

Pero ayaw pataranta ni Ronnie, tuloy ang anti-piracy campaign niya at natuwa dahil tutulong na ang Bureau of Custom, at ang airport officials at ibang government agency.

Tutulungan din ni Mr. Vic del Rosario si Ronnie by giving him a movie project at pumayag pa ang Viva Films producer na weekend lang siya magsu-shooting dahil ayaw mapabayaan ang trabaho sa OMB.

Anyway, sa December 4, sa SM Mall of Asia gagawin ang Red Cross Million Volunteer Run at nangako si Ronnie na sasama. Si Mother Lily Monteverde, 15 kilometers daw ang tatakbuhin at join din ang entertainment press, kaya masaya ito!

Lovi nahihilig sa aswang

Malapit nang maging Horror Princess si Lovi Poe dahil nalilinya siya sa mga horror projects ngayon. Sa movie, may Aswang siya sa Regal Films na showing sa November 2, at may Aswang Chronicles pa siya na next year ang playdate.

Sa TV, siya ang bida sa Sanggol episode ng Spooky Nights Presents, mapapanood mamaya after Manny Many Prizes. Tungkol ito sa tiyanak. 

ASIONG SALONGA

ASWANG CHRONICLES

DAHIL

HOTOTAY

MALL OF ASIA

MOTHER LILY

RED CROSS

RED CROSS MILLION VOLUNTEER RUN

RONNIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with