^

PSN Showbiz

Iza never inoperan ng TV5!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tama ang nasulat namin na sa GMA 7 pa rin pipirma ng kontrata si Iza Calzado at hindi ito lilipat sa TV5 gaya ng tsika. Nagulat pa ito na may isyung lilipat siya sa TV5 dahil wala yatang offer. May inaayos pa silang minor details sa contract niya.

Never din ini-offer sa kanya ang Legacy, kaya nagulat din siya sa balitang ni-reject niya ang project. Wala pa siyang bagong soap pero tila drama anthology ang gagawin to celebrate na rin her 10th anniversary sa showbiz next year.

Ini-enjoy ni Iza ang medyo maluwag na schedule ng Eat…Bulaga, Party Pilipinas, at ang Showbiz Exclusives ng GMA News TV Channel 11. Kasama niya rito sina Aubrey Carampel at Nelson Canlas at napapanood, 7:00 p.m., Monday to Friday.

“Maging journalist ang dream ko, doing documentaries, pero this is still work, training ground. Takot ako dati dahil artista rin ako, but as long as wala kang intention na manira ng tao, walang magagalit. We just want to deliver the news and give close look sa life ng celebrities,” sabi ni Iza.

Samantala, excited si Iza sa guesting niya sa Kitchen Musicale na kinunan sa Singapore at napapanood sa AXN at Studio 23 dito. Either Week 7 or 8 siya lalabas bilang vegan actress na ipagluluto ng cast.

Sina Christian Bautista at ibang cast ang kanyang kaeksena, never with Ka­rylle na siyang naging way ng guesting niya sa show. Iba raw ang dating niya sa Kitchen Musicale dahil pinagsuot siya ng Fedora hat at funky hipster ang kanyang ayos.

Joyce Ching pagtutulungan ng VAA at GMAAC

Ang Viva Artists Agency (VAA) at GMA Artist Center (GMAAC) pala ang ma­na­gers ni Joyce Ching at big advantage ito sa young actress dahil dalawang pu­wersa ang magbi-build up sa kanya para siya ay sumikat.

Five years ang kontrata ni Joyce sa VAA at kabilang sa plano sa kanya ay bibigyan siya ng pelikula sa Viva Films. Sa GMA 7 naman ang TV show niya ay nasa Party Pilipinas, Tween Hearts, at Ikaw Lang ang Mamahalin siya. Kasama rin siya sa Christmas album ng GMA Records at ang Joy to the World ang solo number niya.

Happy si Joyce na nakakuha ng rent-to-own na two-bedroom condo unit sa Pasig area at may second hand CRV. Nag-iipon ito ng pang-enroll sa Culinary Arts.

Kahit hindi makita ang pangalan niya Eddie walang pakialam sa billing

Napapanood na si Eddie Garcia sa Iglot sa role ni Mang Celso na pumatay sa parents ni Fr. Ruben (Romnick Sarmenta). Ang ganda ng eksenang ikinumpisal ni Celso ang kasalanan sa pari na hindi alam, anak ng mga pinatay niya at nakilala siya dahil sa tattoo niya sa kamay. Ang ending, tinalikuran siya ng pari without giving him his penance. Ang lungkot ng eksena, kaya abangan ninyo.

Two weeks lalabas sa Iglot si Eddie at naka-one week na siya, tama lang habang hindi pa umeere ang Legacy, ang bagong soap ng GMA 7. Bago ito tanggapin, nagpaalam siya sa TV5 na babalik muna sa Channel 7 at ginawa rin niya ito sa Channel 7 nang lumipat sa TV5 dati dahil ayaw niyang may nagtatampong network sa kanya.

 At his age, walang cut-off sa taping si Eddie at gusto na tapusin ang trabaho kaso minsan hindi na kaya ng direktor at ibang kasama. Wala rin siyang reklamo sa billing, okay sa kanya kahit saan ilagay ang pangalan at kahit wala ang name niya.

“It doesn’t bother me at all. Ang importante, nakikita ka sa screen at happy ang tao sa napapanood sa ’yo,” pahayag ni Eddie.

vuukle comment

ANG VIVA ARTISTS AGENCY

ARTIST CENTER

AUBREY CARAMPEL

EDDIE

IZA

JOYCE CHING

KITCHEN MUSICALE

NIYA

PARTY PILIPINAS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with