^

PSN Showbiz

PNoy magiging unang Asyanong lider sa global interview series

-

MANILA, Philippines - Gagawa ng kasaysayan si Pangulong Benigno Aquino III bilang kauna-unahang lider mula Asya na lalahok sa YouTube World View interview series na una nang nilahukan nina US President Barack Obama, UK Prime Minister David Cameron, at Spain Prime Minister Jose Luis Zapatero.

Matutunghayan ang buong interview sa Internet sa pamamagitan ng live streaming sa ABS-CBN – sa abs-cbnnews.com/askpnoy — mula mismo sa Malacañang sa Nov. 4. Dito mapapanood kung paano sasagutin ni Aquino ang mga tanong mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa panayam na sasaba­yan pa ng online live chat para mabigyan ng kagyat na pagkakataon ang publiko na magsabi ng saloobin.

Ang panayam kay P-Noy ay pangangasiwaan ng Google moderator na si Ross LaJeunesse. Si LaJeunesse ay director of Public Policy and Government Affairs ng Google, Inc. sa Asia Pacific, at nagsilbi ring Deputy Chief of Staff at Senior Advisor kay California Governor Arnold Schwarzenegger.

Ang panayam ay ipalalabas din pagkatapos sa ANC.

Ang World View series ng YouTube at Google ay nagbibigay-pagkakataon sa mga tao na tanungin nang diretsahan ang mga pinuno ng mundo tungkol sa edukasyon, enerhiya, o pandaigdigang kalusugan. Agad itong gumawa ng ingay nang magsimula nitong Enero at inilunsad online.

Maaaring mag-iwan ng teksto o video ng tanong sa Pangulo sa official site ng YouTube World View sa http://www.youtube.com/worldview mula Oktubre 21 hanggang Oktubre 28. Maaaring iboto ng mga tao kung aling tanong ang gusto nilang maitanong sa Pangulo. Tanging ang mga tanong na naiboto ang itatanong.

Bilang official Philippine media partner ng YouTube World View, ihahatid naman sa unang pagkakataon ng ABS-CBN ang tsansa para makapagtanong ang publiko sa pamamagitan ng SMS. I-text lang ang ASK<space>PNOY<space>Name/Location/Question sa 231 para sa Smart at Talk N Text subscribers, at 2331 para sa Globe, TM at Sun subscribers.

Habang sinasagot ni Aquino ang mga tanong sa abs-cbnnews.com/askpnoy sa Nobyembre 4 ay sasabayan ito ng isang live chat para maka-react din ng live ang publiko sa bawat isasagot ng pangulo.

Naitampok na sa World View series ang may halos isandosenang world leaders mula USA, UK, Spain, Mexico, at Rwanda. Ang interview ni Obama, na siyang unang sumalang sa serye, ay nakapagtala sa YouTube ng halos 800,000 boto para sa mahigit 14,000 katanungan at pumalo sa mahigit 2.2 million page views.

Manny nahuli ni Jennifer

Makakatanggap ng tawag sina Lola Ana from Enrique. Natagpuan na raw si Sandra at kumpirmadong si Desmond ang dumukot dito. Sa pagsalubong ng lahat sa pagbabalik ni Sandra, mukhang inis pa si Jacob sa pagmamagandang-loob ni Stanley. Lola Ana takes this opportunity to ask for Stanley’s help sa pagsasampa ng kaso against Desmond. Saka darating si Dodong dala ang katotohanang mata-gal na nilang hinahanap – na si Jennifer ang tunay na anak nina Sandra at Jacob!

Hindi makapaniwala ang lahat na si Jennifer lang pala ang heredera na ma­tagal na nilang hinahanap – pero nasaan na ba si Jennifer? Tatawagan ni Jacob si Manny pero walang sasagot.

Darating sina Jennifer at Manny sa isang bahay sa tabing-dagat – sasalubungin sila nina Nonoy at Issa na may-ari ng tutuluyan nila. He tells Nonoy na hindi niya hahayaang makuha si Jennifer sa kanya. Eventually, matutuklasan nina Lola Ana na lumayas na nga sina Manny at Jennifer; pero umaasa pa si Lola Ana na maliliwanagan din si Manny at ibabalik nito si Jennifer.

Lalambingin ni Kate si Stanley, at agad na magkakapatawaran ang mag-asawa. Mangungulila naman si Claire kay Kyla, at parang hindi niya na matagalang makisama pa kay Desmond. Samantala, mangangako si Simeon kay Michelle na hindi mabubuo ang pamilya nila Jennifer – kundi sila nina Sandra.

Tatawagan ni Jennifer si Sandra gamit ang cellphone ni Manny, pero mahuhuli ni Manny si Jennifer; magagalit si Manny sa bata sa pagtawag nito kina Sandra, dahilan para mapaiyak ang bata sa galit ng ama.

‘Yan at iba pa ang mangyayari ngayong gabi sa programang Munting Here­dera na hindi inaasahan ng GMA 7 na hahataw sa ratings.

ANG WORLD VIEW

AQUINO

ASIA PACIFIC

CALIFORNIA GOVERNOR ARNOLD SCHWARZENEGGER

DESMOND

GOOGLE

JENNIFER

LOLA ANA

MANNY

WORLD VIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with