^

PSN Showbiz

Mga Pinoy sa Japan, binisita ng "Patrol Ng Pilipino"

-

MANILA, Philippines - Mapapanood ngayong gabi (Oktubre 18) sa Patrol ng Pilipino ang report ni Jeff Canoy tungkol sa kondisyon ng mga Pinoy sa Japan matapos ang napakalakas na lindol, tsunami, at ang panganib ng radiation na gumimbal noong Marso sa mga naninirahan doon.

Titingnan ng episode na ito ang kalagayan ng mga Pilipinong namumuhay at nagha-hanapbuhay sa Land of the Rising Sun, na ipapalabas sana noong nakaraang buwan ngunit nagbigay daan sa espesyal na coverage ng network ng Bagyong Pedring. 

Samahan si Jeff Canoy sa kanyang paglalakbay sa Japan at pakinggan ang kuwento ng mga Pinoy na nakatira sa Japan bago, habang at pagkatapos ng tatlong sakuna.

Bibisitahin ni Jeff ang ating mga kababayan na nanatili sa Japan at alamin kung paano sila naapektuhan ng mga trahedya. Ano ang dahilan ng kanilang pananatili at patuloy na paghahanap-buhay doon sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan?

Ang lahat ng ito at marami pang iba sa Patrol ng Pilipino pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN, o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM Teleradyo (SkyCable Ch. 26), 9:15 ng gabi.

ANO

BAGYONG PEDRING

BANDILA

BIBISITAHIN

JEFF CANOY

LAND OF THE RISING SUN

MAPAPANOOD

MARSO

PILIPINO

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with