^

PSN Showbiz

Apl.de.ap tuloy ang pagpapatayo ng maraming classroom

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Nasa bansa ngayon si Apl.de.ap ng sikat na grupong The Black Eyed Peas para sa ilang proyekto. Mayroon ng sariling foundation ang singer sa Pampanga na kanya ring hometown, ang We Can Be Anything campaign ng Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Nagtayo rin si Apl sa Pampanga ng library, computer rooms, at music studio na puwedeng magamit ng mga kabataan doon.

“I want to give hope to the kids especially in the provinces. Some of them will never see a computer or learn about technology. So, I want to open up that information for them. Pag-unlad ng bansa, I want the kids to compete with other kids all over the world with technology and stuff,” pahayag ng singer.

Hinahangad din ng Fil-Am singer na makapagpatayo ng ilang classroom sa pamamagitan ng We Can Be Anything campaign ng Aquino Foundation para maitaas ang kaledad ng edukasyon sa bansa.

“The main focus is the shortage of classrooms all over the country kasi ang mga bata, nagsisiksikan sa maliliit na classroom, so, we are adding classrooms. They can focus better and the teacher can pay attention to all the students in the classrooms,” paliwanag ni Apl.

Ngayon ay spokesperson na rin ng Department of Tourism ang sikat na singer. Ipinagmamalaki ni Apl ang pagiging Filipino niya kahit saan mang panig ng mundo siya magpunta.

Hinihikayat din niya ang ibang mga dayuhan na bumisita rito sa Pilipinas para makilala ang kultura nating mga Filipino.

“I tell them we are the kind of people who support each other. We’re hardworking people, mostly humble and really family-oriented,” pagmamalaki pa ni Apl.

Erik nagsimula na sa pagti-teacher

Nagsimula na noong Linggo si Erik Santos sa kanyang duty bilang kauna-unahang celebrity mentor ng Center For Pop Music Philippines.

“It’s one way of giving back kung ano ’yung na-experience ko throughout my eight years sa industriya. Para akong mentor, parang sort of mentoring young people para matutong kumanta. Siyempre kung paano gawin ’yung mga tamang bagay para maabot ’yung kanilang mga pangarap,” pahayag ni Erik.

Produkto rin ng nasabing music school si Erik kaya masaya siyang maibahagi sa mga participants ang kanyang mga kaalaman at karanasan bilang isang magaling na singer.

“Mas ibibigay ko sa kanila ’yung sarili ko, kung paano ako sumali ng contest, kung saan ako nagsimula, kung bakit ako nakapasok sa Center For Pop. Kumbaga sumali ako sa isang singing contest sa school then ang prize ay ’yung scholarship sa Center For Pop then doon na nagsimula lahat. I joined Star in a Million, and doon naman sa almost eight years ng singing career ay hindi naman ako binitawan at nakalimutan ng Center For Pop. Talagang nandiyan sila to support,” kuwento pa ng Pop Prince.

“Masaya ako dahil magagawa ko na ’yung isa sa mga gustung-gusto kong gawin and that is to share whatever kung anuman ’yung alam ko when it comes to singing and siyempre sa experience ko na rin. Excited po talaga ako na gawin ito,” diin pa ng singer.      Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

AQUINO FOUNDATION

BLACK EYED PEAS

CENTER FOR POP

CENTER FOR POP MUSIC PHILIPPINES

DEPARTMENT OF TOURISM

ERIK

WE CAN BE ANYTHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with