Engkanto Sa Ilog, totoo?
MANILA, Philippines - Kamakailan lang ay nawala na parang bula si Benito nang tumawid ito sa ilog. Ang paniwala ng karamihan ng kanyang mga kapitbahay ay hindi nalunod si Benito, bagkus kinuha ng mga engkanto! Kahit moderno na ang panahon, tila hindi pa rin inaanod ang paniniwala ni Juan sa mga nilalang na nangunguha ng buhay sa ilog. Para bang ginagawa itong alay.
Kaya ngayong Lunes sa I Juander, aalamin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario kung totoo nga bang may mga engkantong nangunguha sa mga ilog? Saan nga ba nagmula ang paniniwalang ito ng mga Pinoy? May matibay na rason ba sa mga biglaang paglubog at pagkawala ng mga lumalangoy sa ilog?
Nakilala ng I Juander si Che-Che at meron siyang tila mala-fairy tale na kuwento. Kinuha raw siya ng mga syokoy at sirena upang gawing prinsesa ng kaharian sa ilalim ng ilog ng San Mateo, Rizal.
Buung-buo ang paniniwala ng kanyang inang si Annie na ang kuwento ni Che Che ay hindi gawa ng isang malikot na pag-iisip.
Kaya ang mahigpit na bilin nito sa bunso, huwag na huwag magtangkang lumapit sa ilog. Iba’t ibang nilalang ng ilog, gaano nga katotoo? Alamin ngayong Lunes sa I Juander, 10 p.m. sa nangungunang news channel sa bansa, GMA News TV.
- Latest